UMINGAN, PANGASINAN – Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Umingan police ang babaeng kilala bilang lider ng sindikatong gun-for-hire na nag-ooperate sa Pangasinan at ibang probinsiya.
Sa pangunguna ng CIDG, naaresto si Loida Gonzales Mendoza sa kaniyang tahanan sa Rizal Street, Barangay Poblacion East, Umingan nang isilbi ang warrant for arrest para sa kasong double murder sa ilalim ng Criminal Case No. SCC-5773 na maye petsang Sept. 12, 2017.
Walang piyansang inirekomenda para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.
Ayon sa pulisya, si Mendoza ay nakalista bilang lider ng Gonzales Group na isang gun-for-hire sa Pangasinan.
Nakalista rin diumano ang grupo ni Mendoza bilang newly identified criminal group sa Lupao, Nueva Ecija.
Sinabi ni Chief Inspector Jose Abaya III, chief of police ng Umingan, na may posibilidad na ang grupo ni Mendoza ay nagkaroon din ng mga biktima sa Lupao kaya kinilala sila bilang newly identified criminal group sa nasabing bayan.
Sinabi pa ni Abaya na matagal nang under surveillance si Mendoza ng CIDG at Umingan police dahil sa kaniyang mga iligal na gawain.
Kinilala rin si Mendoza bilang protector/financier ng Pogito group guns-for-hire na kapwa nago-operate sa Pangasinan at karatig-probinsiya, aniya.
Ang suspek ay dinala sa CIDG Satellite Office sa Urdaneta City para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.
Sa pagkaaresto kay Mendoza, ang Umingan police ay tiwala na ang iba pang miyembro ng kaniyang guns-for-hire gang ay makikilala at maaaresto.
Dahil dito, nanawagan ang pulisya sa mga kaanak ng mga naging biktima ng grupo na lumabas at maghain ng reklamo laban sa suspek at sa kaniyang grupo. LEONARDO MICUA, PNA / ABN
October 14, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025