LUNGSOD NG BAGUIO – Dalawang tao na gumawa ng isang serye ng prank calls sa emergency hotline Baguio 911 ng lungsod ang kinasuhan sa City Prosecutor’s Office nitong nakaraang linggo. Nagpila ng mga kaso ang personnel ng Early Warning and Surveillance Division ng City Mayor’s Office ng unjust vexation laban sa dalawang tao na gumawa ng “nakakairita, nakakaistorbo at nakayayamot na ilang tawag sa linya na nilayon para sa emergencies at contingencies”.
Humaharap din sila sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 “Declaring as Unlawful the Malicious Dissemination of False Information.”
Sinabi ni Mayor Magalong na marami pang mga kaso ang inaasahang ipipila dahil marami pang prank callers ay tinutukoy na sa pamamagitan ng systematic tracing at tagging.
Sinabi ni Executive Officer V Felipe Puzon of the City Mayor ’s Office na siyang namamahala sa smart city command center kung saan tinatanggap ang mga tawag sa 911 na nakatanggap ang lungsod ng kabuuang 12,000 prank calls or 10,000 drop calls sa kabuuang 31,880 na tawag na natanggap mula nang magumpisang paganahin ang Baguio 911 Oktubre ng nakaraang taon.
Nauna nang nagbabaka ang lungsod na ang mga tawag na ginawa sa pamamagitan ng Baguio 911 ay matutunton at mata-tag at ang mga salarin ay mananagot sa ilalim ng aplikableng mga batas.
Ang patuloy na mga panlolokong tawag ay nag-udyok sa lungsod upang tugisin ang mga salarin na nagresulta sa pagpila ng mga kaso. Maaaring mapasok ang Baguio 911 helpline na nagooperate 24/7 sa pamamagitan ng direct telephone calls o sa pamamagitan ng Baguio in my Pocket (BIMP) application sa https://www.baguioinmypocket.ph.
Upang ireport ang mga insidente sa pamamagitan ng BIMP, mag-log on sa https://www.baguioinmypocket.ph at pindutin ang 911 button na agad magsusumite ng isang larawan at mga detalye ng insidente.
Ang mga tawag ay tatanggapin ng command center operators at ipinapadala sa mga angkop na opisina matapos ang balidasyon sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono sa pinagmulan ng impormasyon na may garantiya para sa proteksiyon ng kaniyang pagkakakilanlan.
Ang impormante/nagrereklamo ay tatanggap din ng feedback mula sa command center sa estado aksiyon na ginawa sa report.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)
April 4, 2022
April 4, 2022
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025