BAGONG ATRAKSYON

Community Billboard Environment

Ipinapakita ng may-aring si Pio Velasco, ang tinatapos na construction ng bagong atraksyon, ang Igorot Stone Kingdom na lumalarawan sa mga makatotohanang kasaysayan ng mga tao, lugar at events sa Cordillera, na matatagpuan sa gilid ng bundok sa Long-long Road, Pinsao Proper, Baguio City.

Photo by Zaldy Comanda/ABN

“Igorot Stone Kingdom, bagong atraksyon sa Baguio.”

“Ang concept nito ay an ancient Igorot kingdom sa kaliwa at sa kanan naman ay modern Igorot kingdom and remember ito ay “fantasy” lamang at hindi natin itinuturing na ito ay genuine Igorot kingdom, this is a fantasy kingdom,” pahayag ni Pio Velasco, may-ari at may disenyo ng lugar. Matutunghayan sa bagong atraksyon sa may lawak na 6,000 square meters, ang talento ng mga Igorot sa stone laying na hindi gumagamit ng anumang elemento maliban sa konting semento para sa reinforcement lamang.

“Hindi lamang basta stone wall ang itinayo sa gilid ng bundok, kundi ito ay naglalaman ng iba’t ibang kasaysayan na kumikilala sa bawat lalawigan ng Cordillera. Ilan sa makikita sa loob ng ancient stone kingdom ay ang stone tower ng fantasy story nina Gatan and Bangan, the surviving Igorot man and woman after the great holocaust; fertility stone tower; Igorot life stone tower (Grandmother, Mother,Child); Kabunyan (Igorot God) tower; Igorot man and woman tower for their praying; replica of the original Igorot throne and many others.

Ayon kay Velaso, ang modern Igorot kingdom ay lumalarawan sa kasalukuyang henerasyon na bagama’t ito ay mistulang castle na makikita sa European countries, ay nakapaloob pa din ang Cordillera historical values. “ Isa sa mga portion dito ay alay ko sa aking kapatid na namatay sa aksidente sa ibang bansa at ang isang malaking buhay na bato sa ibaba ay para sa aking great mother,” ayon kay Velasco.

Kuwento ni Velasco, noong kasagsagan ng nationwide community lockdown noong Marso 2020 ay binisita niya ang kanyang lugar at habang nakaupo sa isang tabi ay naisip niya iparip-rap ang magkabilang bahagi ng bundok,pero sa halip na gawin ito ay naisip niya ang kanyang konsepto na magkaroon ng fantasy kingdom.

Hindi lamag simpleng riprap, kundi mga disenyong bato ang naging pundasyon ng isang bahagi ng bundok na ngayon ang magsisilbing atraksyon, samantalang sa kabilang bahaging bundok naman ay isang mistulang castle na ginamitan din mga stone riprap.

“Hopefully after two months ay matapos na lahat na dapat gawin sa lugar na ito at mabuksan na para sa ating mga bisita. Handog ko ito sa ating turismo para ipakita ang talent ng mga Igorot,” pahayag pa ni Velasco.

Zaldy Comanda/ABN