LAGAWE, Ifugao – Isang bagong bahay ang ipinagkaloob mula sa isang residente na nasunugan ng bahay sa bayan ng Banaue mula sa programang BarangayANIHAN ng Ifugao Provincial Police Office na may temang “Bahay ng Kapwa Ko, Sagot Ko.”
Iprinisinta ni Ifugao PPO Director David Mariano ang bagong bahay ni Lola Benita Mannod at anak nito,ng Sitio Nabnong, Barangay Batad, Banaue, Ifugao, matapos ang halos limang buwan na konstruksyun ng mga tauhan ng Banaue Muncipal Station sa pamumuno ni Chief of Police Major Michael Dangilan.
Ayon kay Mariano,si Lola Benita, na isang single parent ikalawang beneficiary na natayuan ng bahay, matapos masunugan. “ Ambag-ambag ang mga kapulisan at may mga ilang donors na ginamit para maitayo ang kanilang bahay.”
Si Lola Benita,kasama ang kanyang anak na babae ay nakatira lamang sa isang Nipa hut na gawa sa scraps na kahoy at galvanized iron sheets,matapos masunog ang kanilang bahay.
Ayon kay Mariano, sinimulan nilang maglikom ng pera para makabili ng materyales at sinimulan ang pagtatayo ng bahay,katulong ang ilang kapitbahay nito noong Marso 16.
“Malayo at matarik ang daan patungo sa lugar,kaya mano-mano kung bitbitin ang mga materyales, patungo sa lugar, kaya medyo natagalan bago ito natapos,” pahayag ni Mariano.
Hindi makapaniwala naman si Lola Benita na magkakaroon siya ng bagong bahay na walang ginastos, kaya labis ang pasasalamat nito sa kapulisan na nabiyayaan siya sa proyektong “Bahay ng Kapwa Ko, Sagot Ko” ng Banaue MPS.
Isang simpleng turn-over sa pamamagitan ng ceremonial key ang ibinigay ni Mariano para sa maayos at mapayapang bagong tirahan ni Lola Benita.
Zaldy Comanda/ABN
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025