BAGONG HALAL NA PULITIKO, MANUNUMPA SA HUNYO 30

BAGUIO CITY

Magiging solemne at makabuluhan ang programa ang panunumpa ng mga halal na pulitiko sa Hunyo 30, na gaganapin sa Baguio Convention and Cultural Center, ayon kay City Budget Officer Leticia Clemente na namumuno sa transition committee. Pangungunahan ni comebacking Congressman Mauricio Domogan, re-elected Mayor Benjamin Magalong at re-elected Vice Mayor Faustino Olowan, ang Oath of Office Ceremony, na magsisimula ng alas 9:00 ng umaga. Ang iba pang mga incoming officials na ilalagay ay sina comebacking Councilors Edison Bilog at Josel Alangsab, incumbent Councilors Jose Molintas, Leandro Yangot Jr., Vladimir Cayabas, Peter Fianza, Fred Bagbagen, Betty Lourdes Tabanda at Elmer Datuin at mga bagong dating na sina Van Oliver Dicang, Paolo Raynor Salvosa at Yuri Weygan.

Ang bagong hanay ng mga opisyales ay opisyal ding tatanggapin sa isang espesyal na programa sa flag raising ceremony Hulyo 7.
Magsisimula sila sa isang sesyon ng pagpaplano ng Executive-Legislative Agenda upang itakda ang mga direksyon sa pag-unlad ng lungsod para sa susunod na tatlong taon. Noong nakaraang Hunyo 16, nagsagawa ng espesyal na pagpupugay ang lungsod para sa mga
outgoing city officials na pinarangalan ang kanilang mga nagawa at kontribusyon sa pag-unlad ng lungsod. Matatandaan sa muling pagkapanalo ni Magalong ay ipinangako nito na kanyang itutuloy ang kanyang mga programa paea makamit ang sustainability, innovation at resilience at gawing livable, inclusive at creative ang lungsod. “Kami ay patuloy na magtatrabaho para sa isang sustainable at resilient Baguio City sa lahat ng mga programa at proyekto na nasimulan na at patuloy kaming nagsusulong para sa mabuting pamamahala at isang Baguio na walang katiwalian na ang mga pinuno ay hindi namumuno sa kasakiman ngunit may karangalan,” pajauah ni Magalong.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon