BAGUIO CITY
Inihayag ng Department of Education na magsisimula ngayong Hunyo 16 ang pilot implementation ng bagong kurikulum para sa Senior High School (Grades 11 at 12), kung saan kabilang ang Baguio City National High School bilang isa sa mga napiling pilot schools. Ayon kay Jerry C. Ymson ng School Governance and Operations Division (DepEd), layunin ng bagong kurikulum na mas mapabuti at mapaigting
ang kalidad ng edukasyon sa bansa, na una munang isasagawa sa piling mga paaralan upang masuri ang bisa nito bago ipatupad saiba pang paaralan. Kasabay nito, tiniyak din niya na handa ang mga paaralan para sa muling pagbabalik ng mga mag-aaral. “Kahit bago pa
man magbakasyon ang mga estudyante, sinigurado na ng mga guro ng departamento na malinis at ligtas ang mga silid-aralan.
Hanggang ngayon, kumpiyansa akong lahat ng paaralan ay kaaya-aya pa rin sa pag-aaral,” ani Ymson. Para sa seguridad ng mga
mag-aaral sa paparating na eskwela, muling makikipagtulungan ang mga paaralan sa Philippine National Police (PNP), Department of
Transportation (DOTr), at maging sa iba pang sangay ng uniformed personnel gaya ng Philippine Army at Navy. Aniya, taon-taon nang
isinasagawa ang ganitong hakbang upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga mag-aaral sa pagpasok at paglabas ng paaralan. Pagdating naman sa seguridad sa loob ng paaralan, sinanay ang mga guro hindi lamang para sa pagpapahusay ng kanilang kaalaman sa pagtuturo, kundi pati na rin sa mga hakbang upang mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral sa loob ng eskwelahan.
Dagdag pa ni Ymson, “May malinaw na kautusan mula sa central office na dapat magsagawa ng regular na emergency drills gaya ng
earthquake at fire drills ang lahat ng paaralan. Bahagi ito ng paghahanda para sa anumang sakuna.” Tiniyak ng DepEd na patuloy na paiigtingin ang kahandaan ng mga paaralan sa kabila ng mga hamon, upang mapanatili ang kaligtasan, maayos, at epektibong pagkatuto ng mga kabataan sa darating na pasukan.
Reanne Columbres/UC-Intern
May 31, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025