“BAGONG PULITIKA SA NUEVA VIZCAYA”

Napatumba ni Atty. Timothy Joseph Cayton si dating Gov. Ruth Padilla sa pagka-Congressman ng Nueva Vizcaya. Sa kabila ng malaking
pangalang Padilla na nagsilbi ng mahigit limang dekada sa lalawigan, napalitan ito ng bagong sibol na panunungkulang Cayton na
inaasahan ng mga Novo Vizcayanong mahusay na paninilbihan. Itinuturing na ang panalo ni Cayton bilang bagong Congressman ng Nueva Vizcaya ay bunga ng mga magagandang programang naipatupad nito sa bayan ng Dupax del Norte bilang three-term mayor.

Ilan sa mga ito ang local version ng social pension para sa mga Senior Citizens, regular na tulong pinansyal sa mga dating OFW, dating
rebelde, solo parents, PWD, dialysis patients, magsasaka, kasambahay, drivers, lupon, tanod, SK officials, Purok leaders, kabilang na ang
pagbibigay ng additional allowance sa mga guro. Kinilala bilang “Most Outstanding Mauor of the Philippines” si Cayton noon 2023 dahil sa mga nasabing kapaki-pakinabang sa mamamayang programa sa Dupax del Norte.

Kanya’t sa kabila ng kawalan ng buong line-up mula mayor, vice mayor at councilors sa 13 bayan ng Nueva Vizcaya, ipinanalo ng mga Novo Vizcayano si Cayton ng botong 100,291 laban kay Padilla na 57,482 boto, habang sina Jose Tomas 76, 698; retired PNP General Val de Leon 8,597; Jum Mamghi 2,625; Jay Padilla 1670 at Lawrence Sta Ana na 165 boto. Papalit bilang Mayor ng Dupax de Norte ang
nakababatang kapatid ni Cayton na si Atty. Paolo Cayton na nakakuha ng 10,095 boto laban kay Frederick Padilla, pamangkin ng asawa ng natalo sa pagka-Kongresistang Padilla, na may 5,642 boto.

Mahigpit na babantayan ng mga Novo Vizcayano na maipagpapatuloy ni Cong.-elect Tim Cayton at Mayor-elect Paolo Cayton ang legasiyang mahusay na paninilbihan sa bayan. Kung sakaling mabigo ang mga ito, tiyak iwawaksi sila ng kasaysayan ng Nueva Vizcaya
gaya ng pagbasura sa mga naunang nanungkulang kapos sa gawa.

Amianan Balita Ngayon