BAGUIO, ABRA POLITICIAN, NANUMPA PARA SA MAPAYAPANG ELEKSYON

BAGUIO CITY – Upang isulong ang Secure, Accurate, Fair/Free Election (S.A.F.E) 2022, ang mga lokal na kandidato kasama ang Commission on Elections ay nakiisa sa panawagan ng pulisya para sa Unity Walk at Pledge of Commitment para sa tapat at mapayapang halalan.
Labing-limang kandidato sa siyudad ng Baguio, kasama ang kanilang mga tagasuporta, mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo, mga religious sector,stakeholder at mga line agenies ang naglakad mula Veteran’s Memorial Park patungong People’s Park noong Marso 23 para sa programa at aktibidad.
Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Atty.Reyman Solbita, city election officer, ang mga kandidato na dapat sundin ang mga alituntunin ng Comelec Resolution sa pagsasagawa ng face to face campaign at payo sa kanilang mga tagasuporta na panatilihin pa rin ang health at safety protocols dahil nariyan pa rin ang banta ng Covid- 19.
Sinabi ni Col. Glenn Lonogan, city director ng Baguio City Police Office, na kilala ang lungsod sa pagiging mapayapa tuwing halalan dahil sa pagtutulungan ng bawat kandidato at kanilang mga tagasuporta.
Sa Abra, mga pinuno ng relihiyon; Abra Peace Convenor’s Group; Comelec, political aspirants for provincial and municipal posts and other sectoral representatives, ang nagsagawa din ng Unity Walk mula Abra Sports Complex patungo sa Camp Colonel Juan Villamor, Abra Provincial Police Office at nagkaron din ng programa noong Marso 22.
Ang highlights ng programa ay pagsagawa ng interfaith rally, peace covenant signing o ang paglagda sa Integrity Pledge, pagsisindi ng Unity Candles, at Voters Pledge.
Ang aktibidad ay tinapos sa pagpapakawala ng mga kalapati at puting lobo upang simbolo ng multisectoral na hangarin at adhikain para sa SAFE 2022. Sinabi ni Col.Maly Cula, provincial director ng Abra PPO, “Indeed, collaboration and multisectoral partnership bring us to the successful realization of our collective desires, all for the peaceful and orderly conduct of the electoral process in our beloved province.”
Zaldy Comanda/PMCJr./ABN

Amianan Balita Ngayon