LUNGSOD NG BAGUIO – Ang dalawang lungsod ng Cordillera – Baguio at Tabuk – ay tila matagumpay na nasasawata ang pagkalat ng COVID-19. Ito ay kahit may isang bagong kaso ang Baguio
noong umaga ng Huwebes (Hulyo 2) – isang 25 taong gulang na nagtratrabaho sa isang mall at nakatira sa Upper Quezon Hill barangay.
Sinabi ni Mayor Benjie Magalong na nakaranas ang payente ng mga sintomas at sumailalim sa swab test sa Baguio General Hospital and Medical Center. Pinapadali ngayon ang contact tracing, quarantine, disinfection at medical protocols habang iniuutos ni Mayor Magalong anumang oras ngayon ang isang lockdown sa Upper Quezon Hill bilang precautionary measures habang ang contact tracing at iba pang medical at health protocols ay isinasagawa.
Mula Lunes ay may nagiisang COVID-19 active case ang lungsod ng Baguio. Habang ang Tabuk City na kabisera ng Kalinga ay nagging COVID-19 free noon pang nakaraang linggo. Ito ay matapos ang pasyenteng “K07”, ang 33 taong gulang na Overaes Filipino Workers na nagpositibo noong Hunyo 20 ay nag-negatibo na sa kaniyang ikaapat na swab test.
Habang pinapasalamatan ni Tabuk City Mayor Darwin Estranero ang lahat na nagdasal sa paggaling ni pasyenteng “K07” ay inulit niya na huwag titigil ang mga Tabukenos na magbantay “at ipagpatuloy ang pagsunod sa health at safety protocols.”
Pinapanatili ng Tabuk City ang apat na isolation areas: ang Agbannawag Holding Center and Isolation Unit para sa Rapid Test Reactive Individuals at ang Tabuk City High School, STS Dagupan at ang AVT-Man-ugudan Hall sa Pastoral Center bilang green areas.
Ayon kay Tabuk City health officer Dr. Henrietta Bagayao, nagawang pigilan ang pagkalat ng impeksiyon ng COVID-19 matapos ang isang matagumpay na contact tracing dahil naitatag na triage at testing system at gumaganang isolation units.
Tinatanggap ng Tabuk City ang isang minimum na 20 LSIs bawat araw. Nagplaplano ang lungsod na maglagay ng isa pang isolation facility malapit sa Agbannawag Evacuation Center.
AAD-PMCJr.-ABN
July 12, 2020
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025