B AGUIO CITY
Nananatiling ‘drug free’ ang Baguio City Jail Male Dorm (BCJMD), matapos ang sopresang drug test sa mga BJMP personnel at Person with Deprive Liberty (PDL) na isinagawa ng Philippne Drug
Enforcement AgencyCordillera, noong Agosto 1. Ayon kay Jail Superintendent April Rose Ayangwa, 81 personnel at 58 PDL ang sopresang isinailalim sa drug test at lumitaw na negatibo sa ipinagbabawal na droga ang mga ito.
Aniya, bukod dito ay nagsagawa din ang mga tauhan ng PDEA ng greyhound o’ Oplan Galugad, kasama ang K9,sa mga selda para kalkalin ang kanilang mga kagamitan sa akalang may itinatago silang droga at mga patalim at lumitaw na negatibo din ang mga ito. Nagsagawa din ang PDEA ng drug symposium sa mga personnel at PDL, kasunod ang paglagda sa Memorandum of
Agreement sa pagitan ng PDEA-Cordillera at BJMPCordillera.
Sa kasalukuyan ay may 353 PDL ang BCJMD at 198 PDL o’ 55.30% ang may mga kaso ng illegal drugs at kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Anti-Illegal Drugs Law. Ipinaliwanag din ni Ayangwa, dati ng nai-deklara na drug-cleared at drug-free ang naturang pasilidad, ngunit ng
dahil sa pandemya ay nasuspinde ang renewal ng sertipikasyon nito. Aniya, inaasikaso nila ngayon ang pagkuha ng sertipikasyon sa pagiging drugcleared jail facility at susunod naman ang sertipikasyon para sa pagiging drug-free ng pasilidad.
Maaari lamang maideklarang drug-cleared ang isang jail facility kung isang buong taon manatiling negatibo sa drug tests ang mga tauhan nito, matapos ang mga unannounced testing, anti-drug
lectures, at pati narin ang on the spot inspections. Kinakailangan na mayroon munang drug-cleared certificate ang pasilidad bago sila makapag-deklara ng pagiging drug-free. Sa loob ng kalahating taon matapos ang pagkuha ng drugcleared certificate ay dapat na mai-isyu na ng jail facility ang
pagdedeklara nila bilang drugfree.
Sinabi ni Ayanwa na nais nilang ma-certify muli ang BCJMD dahil ito ang nagpapatunay sa kanilang pagsuporta sa panawagan ng gobyerno sa paglaban nito sa ilegal na droga at kanilang
sineseryoso ang mandato sa development at Rehabilitation para sa kaligtasan ng mga PDL at ang mga pamilyang bumibisita, at higit sa lahat, walang tauhan ng unit ang sangkot sa ilegal na droga.
Sa panayam naman kay PDEA Regional Director Julius Paderes, ang patakaran ng gobyerno laban sa droga ay ituloy ang pinagsamang diskarte sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga estratehiya laban sa droga dahil kinikilala nito ang patuloy na paglaganap ng iligal na droga at mga kaugnay na insidente sa mga kinokontrol na pasilidad.
Ayon kay Paderes, ang programa sa paglilinis ng droga sa mga kontroladong pasilidad tulad ng kulungan ay ginawa dahil sa seryosong banta sa kalusugan at repormasyon ng mga taong pinagkaitan ng kalayaan (PDLs), na nangangakong hindi babalik sa kalakalan kung sila ay mabigyan ng oportunidad na magbalik sa komunidad.
John Mark Malitao/UC Intern/ABN
August 5, 2023
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024