BAGUIO CITY, NAGPAKITA NG PAGKILALA SA MGA KABABAIHAN

Sa pagdiriwang ng Women’s month, nakatanggap sina Milagros Aro Rimando, Jingle Ku-Marques, Vicky Mackay at Easter Wahayna-Pablo ng Women Outstanding Leader award dahil sa kanilang kahanga- hangang pamumuno at serbisyo sa publiko sa Baguio Convention and Cultural Center noong Marso 8, 2025.

Photo by Jhawe Saldaen UB Intern


Baguio City

Nagtipon ang maraming kababaihan sa Baguio Convention and Cultural Center upang ipagdiwang ang Buwan ng Kababaihan na may temang “Babae sa lahat ng sektor, aangat ang bukas sa bagong Pilipinas” noong Marso 8, 2025. Ang programa ay muling binuksan ni Hon. Elmer Datuin, na nagbigay ng mensahe na, “Our celebration is not only a tribute to the women who came before us but also a promise to the generations of women yet to come.” Ipinahayag din ni Datuin ang Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE) organization, na pinamumunuan ni Dan Ricky Ong, assistant city secretary.

Ang organisasyong ito ay hindi lamang nakabase sa lungsod, kundi may mga kabanata na rin sa ilang mga barangay. Kasunod ng Republic Act 8551, ang Baguio City Police Office (BCPO) ay nagpatupad ng Manang Police program bilang Women and Children Protection Desk. Ang programa ay nakatuon sa pagtugon sa mga kaso ng mga krimen laban sa kababaihan at mga bata, at nag-oopera 24/7. Binigyang-diin din niya ang mga tampok ng programa, partikular ang pagpaparangal sa mga natatanging pinuno ng kababaihan sa Baguio City. Ayon sa kanya, “You are shining examples of the exceptional leadership, proving that true power lies in service, compassion, and making Baguio a better place for all”.

Kabilang sa mga nagwagi ay sina Milagros Aro Rimando para sa kanyang natatanging pamumuno sa civic at public service; Jingle Melanie Ku-Marquez para sa kanyang kahanga-hangang pagsisikap sa pagpapalaganap ng kalusugan, wellness, at personal growth sa iba’t ibang pamayanan; Vicky Mackay para sa kanyang mga pagsisikap sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng kultura, wika, at tradisyon ng
Ibaloy; at Easter Wahayna-Pablo para sa kanyang natatanging trabaho sa mga serbisyo ng aklatan at pagpapalaganap ng literasiya sa Baguio City.

Ang programa ay natapos sa pamamagitan ng acceptance speech ni Milagros Rimando, ang 2025 outstanding women leader, na nagsabi, “This recognition is truly a big gift to us four.” Dagdag pa niya, “What we can do is just to continue our journey of leading, of serving, of helping lift others na sabi nga po ng ating theme for the women’s month, so that yung babae sa lahat ng sektor, aangat ang bukas.”

Jhawe Saldaen UB Intern

Amianan Balita Ngayon