BAGUIO CITY
Isang 20-anyos na lalaking nakalista bilang High Value Individual ang nasakote sa pagbebenta ng P4.5 milyong
halaga ng dried marijuana, matapos ang isinagawang drug operation sa may Burnham Legarda-Kisad, Baguio City,
noong Disyembre 8. Sa operasyon, nakumpiska ng mga awtoridad ang tatlong pahabang pakete na nakabalot sa brown packing tape, na naglalaman ng kabuuang 3 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana (Kush), na may Dangerous Drugs Board (DDB) Standard Drug Price na tinatayang nasa P4,500,000.00.
Ang matagumpay na operasyon ay pinagsama samang pagsisikap ng BCPO Police Station 5, Tourist Police Unit, SOU CAR, PDEA Baguio City/Benguet PO, PDEA Abra PO, RID CAR, RIU 14 at PIU/ PDEU BCPO. Ang operasyong ito ay
bahagi ng patuloy na pagsisikap na tugunan ang mga aktibidad ng ilegal na droga sa rehiyon na naaayon sa five point focus program ng BCPO City Director, Col.Ruel Tagel, partikular sa pag-iwas sa krimen at solusyon sa pagtitiyak ng
kaligtasan ng publiko.
Zaldy Comanda/ABN
December 14, 2024
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025