BAGUIO CREATIVE ASSEMBLY DINALUHAN NG 60 NA PARTICIPANTS NAGING MATAGUMPAY

Baguio City

Lumahok ang mahigit na 60 miyembro ng creative sector ng Baguio City sa isinagawang Creative Baguio City Council (CBCC) Assembly nitong miyerkules, ika-25 ng Abril ito ay upang mapanatili
ang titulo ng syudad bilang kilalang Creative City sa kalakhang Cordillera. Kabilang sa mga kalahok
ang mga miyembro ng mga sektor ng traditional handicrafts, audio-visual and interactive media, cultural and natural heritage, performance and celebration, visual arts and crafts, books and press, design and creative services, at software programming and computer gaming and animation.

Ang assembly na ginanap sa Baguio Convention and Cultural center ay tinalakay ang patuloy na pagsagawa ng CBCC ng mga programa at pagdiriwang upang mapanatili ang titulo ng Baguio City bilang isang creative city. “The creative city framework is one of the frameworks used by the United
Nations to address problems of unsustainability, (Ang creative city framework ay isa sa mga framework na ginagamit ng United Nations upang talakayin ang mga problema ukol sa unsustainability),” ipinahayag ni CBCC co-chairman, Dr. Raymundo Rovillos.

Ang titulo ng creative city ay mayroong midterm period na apat na taon, at ang 2023 ang ikaapat na taon ng Baguio. Upang patuloy na manatili bilang creative city ang lungsod, kinakailangang isagawa ang evaluation. Sa ngayon, pumasa sa evaluation ng lungsod ng Santos, Brazil. Patuloy na bibigyangpansin ng CBCC at ng mga creative sector ang sustainable development goals ng United
Nations habang sinusuportahan nila ang mga miyembro ng mga creative sektor ng Baguio upang
tuluyan na sila na makabangon mula sa mga epekto ng Covid19 pandemic.

“This annual membership assembly is a platform for artists and creatives to come together, to share your experiences, and collaborate to create a better Baguio for all of us. (Ang annual membership assembly ay isang platform para magsama-sama ang mga manlilikha at creatives upang ibahagi ang iyong mga karanasan at upang magtulungan kayo na pabutihin pa ang Baguio para sa ating lahat.)” Sinabi ni mayor Hon. Benjamin Magalong. Ang Baguio City ay isa sa dalawang lungsod sa buong
Pilipinas na pinangalanan na creative city ng UNESCO. Ang pangalawa ay ang Cebu City.

Thea Sherina Cathelin Rillera – UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon