BAGUIO DRUG DEN SINALAKAY 5 DRUG PERSONALITIES ARESTADO

BAGUIO CITY — Sinalakay ng magkasanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at Station 3 ng Baguio City Police Office, ang isang drug den at inaresto ang limang personalidad na nakumpiskahan ng P119,000 halaga ng iligal na droga sa Barangay Cabinet Hill-Teachers
Camp, Baguio City noong Oktubre 5.

Sinabi ni PDEA Regional Director Gil Castro, nagsagawa ng search warrant operation ang mga operatiba dakong alas 4:20 ng hapon na inisyu ni Executive Judge Maria Ligaya Itliong- Rivera sa hinihinalang drug den sa presensya nina Barangay Kagawad Marly Noel Pacis at Kagawad Glory Calica ng Cabinet Hill-Teachers Camp, Baguio City, kinatawan ng DOJProsecutor Philip Cesar Castel at media.

Nadakip ng mga raiding team sang mga drug suspek na sina Mimbla Sabado Domingo,58 at nakalista bilang High Value Twrget (HVT) Michael Bryan Sabado Domingo, 36, nahatulan ng paglabag sa Republic Act 9165, na nakalabas ng kulungan noong Setyembre 9,2022 sa pamamagitan ng plea bargain provision; Joana Marie Cortez Mendoza,32; Kim Herreria Sabado, 31 at Aira Savado Domingo, 23, pawang
residente sa Barangay Cabinet Hill-Teachers Camp, Baguio City.

Nakumpiska sa mga operatiba ang ebidensiya ng droga na kinabibilangan ng 19 na piraso ng heat sealed
transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na humigitkumulang na 15 gramo, na may Standard Drug Price na P102,000.00; 10 piraso ng hinihinalang ecstacy tablet na nagkakahalaga ng P17,000.00; ilang transparent plastic sachet na may residue ng hinihinalang shabu at iba’t ibang pharaphernalia.

Napag-alaman din mula sa Pdea-Cordillera sa kanilang isinagawang drug testing mga suspek ay lumitaw na positibo sa paggamit ng droga ang nadakip na Mendoza na isang nurse at may anak na isang
buwang gulang. Paglabag sa Sec.6,7,11 at 12 ng Republic Act 9165 ang isinampa laban sa mga suspek.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon