Baguio hinihintay ang panuntunan sa ‘no vax, no ride’ rule

LUNGSOD NG BAGUIO – Hihintayin ng pamahalaang lungsod ang mga panuntunan ng Department of Transportation (DOTr) para sa “no vaccination, no ride” policy sa pampublikong transportasyon sakaling ipatupad ito sa labas ng Metro Manila.
Sa isang media interview noong Martes ay sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na “we have to wait for final guidelines if we will implement a ‘no vaccination, no ride’”.
Gayunman, sinabi niya na ang kautusan ay mas madaling sabihin kaysa gawin. “Madaling banggitin pero mahirap. Why, siyempre busy ang ating mga drivers, along the way pumipick-up ng pasahero alangan naman ang hirap naman titingnan nila kung may vaccination card,” aniya.
Idinagdag ni Magalong na hindi lahat ng driver ay may cellphone na kayang basahin ang quick response (QR) codessa mga vaccination card.
Sinabi ng mayor na mas tututok na lamang sila sa pagsiyasat kung an mga tao ay gumagamit ng medical-grade face masks at walang gumagamit ng tela na mask kung sasakay sa public utility vehicles at kung nasa pampublikong mga lugar gaya sa pamilihan at iba pang mga establisimiyento.
“Here in Baguio, we are concentrating on the implementation of the use of surgical masks in establishments. In the market and public transportation, we do not allow the use of cloth masks,” aniya.
Sinabi ni Magalong na ang sektor ng transportasyon ay nangakong makikipagkaisa at sisiguruhin na ang mga pasahero lamang na gumagamit ng medical-grade face masks ang papayagan sa loob.
(LA-PNA CAR/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon