Baguio in my pocket, 911 handa sa critical incident reports mula sa publiko

LUNGSOD NG BAGUIO – Nakasaksi ka ba ng isang krimen, nakakita ng isang aksidente, nasusunog na bahay o kahit hindi nakolektang basura? May mga sintomas ng COVID-19 o nag-aalala sa isang pagpapakamatay?
Hinikayat ni Mayor Bejamin Magalong ang mga residente na ireport ang mga kagayang insidenteng ganito at iba pang emergency cases sa Baguio 911 sa pamamagitan ng Baguio in my Pocket (BIMP) application.
“BIMP-Baguio 911 is now accepting just about any concern of consequence and will facilitate immediate action through our Baguio City Command Center,” ani mayor.
Sinabi ni Executive Officer V Felipe Puzon ng City Mayor’s Office na siyang nangangasiwa sa smart city command center na ang BIMP site ay isang alternatibo na iderekta ang mga tawag sa telepono sa pagrereport ng lehitimong alalahanin lalo na sa panahon ng matinding pagsisikip ng trapiko.
Upang ireport ang isang insidente, mag-log on sa https://www.baguioinmypocket.ph at pindutin ang 911 button na mapapadali ang pagsusumite ng isang litrato at mga detalye ng insidente.
Ang mga concern ay tatanggapin ng command center operators at ipapadala sa mga angkop na opisina matapos ang balidasyon sa pamamagitan ng tawag sa telepono sa source o pinanggalingan ng impormasyon na may garantiya para sa proteksiyon ng kaniyang pagkakakilanlan.
Ang impormasyon/reklamo ay tatanggap din ng feedback mula sa command center sa estado o aksiyon na dinawa sa report. Ang 911 ay bukas 24 oras bawat araw.
Kaugnay nito ay binalaan ang mga prank caller o nagloloko sa Baguio 911. Patuloy na nililigalig ng mga prankster ang bagong tatag na Baguio 911 na nag-udyok sa pamahalaang lungsod na maglabas ng babala: “Prank calls made through Baguio 911 can now be traced and tagged. Perpetrators are liable under applicable laws. Please use Baguio 911 only in reporting emergency cases. Let us be responsible citizens.”
Sinabi ni Executive Officer V Felipe Puzon na nasa apat na pangalan ang tinutugis na ngayon para ipila ang kaukulang mga reklamo.
“Another 700 are now being validated and will be chased and investigated. We hope people will learn their lesson,”ani Puzon. Sinabi niya na nasa 22,000 prank calls ang natatanggap ng emergency line mula nang mag go live status ito noong Oktubre 12 ng nakaraang taon.
Sinasapawan nito ang mga lehitimong mga tawag. Mga Case-related calls na tumutugon medical emergencies, police assistance, vehicle accidents, crimes, nuisance, suicide cases at rescue assistance.
Ang helpline na nag-ooperate 24/7 ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng direktang tawag sa telepono o sa pamamagitan ng Baguio in my Pocket (BIMP) application sa https://www.baguioinmypocket.ph.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon