LUNGSOD NG BAGUIO – Inihahanda na ng pamahalaang lungsod ang isang sistema na magbibigay ng telemedicine digital platform na tinawag na “Bantay Covid” upang pagsilbihan ang mga pasyente na nasa home quarantine o isolation dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang panayam sa telepono ay sinabi ni Aileen Refuerzo, chief city information officer noong Miyerkoles na inumpisahan na ng lungsod ang pagsasanay ng mga naatasang humawak sa application at inaayos pang mabuti ang mga pamamaraan.
Sinabi niya “the system is patterned after the program of Quezon City but is being modified to fit the needs of the city’s residents.”
Ang telemedicine consultation ay pinangunahan ng Health Services Office sa pakikipagtulungan ng Office of the City Mayor at ng Baguio-Benguet Medical Society, ani Refuerzo, na idinagdag na ang pamahalaang lungsod ay nananawagan sa mga volunteer doctors na tutulong sa pagbibigay ng serbisyo.
Gamit ang sistema, maiuugnay ang mga pasyente na nasa home quarantine o isolation sa health services office ng lungsod upang matulungan sila ng mga medical professionals.
Simula ng pag-uumpisa ng taon, nakita sa Department of Health-Cordillera Covid-19 tracker ang pagtaas ng bilang ng mga aktibong kaso ng
COVID-19 na naitatala sa arawaraw, bagaman karamihan ay inuri na banayad o asymptomatic at pinayagan na mag-isolate sila sa sariling tahanan.
Sa isang press conference noong nakaraang linggo ay sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na maayos na napamahalaan ng lungsod ang pagsipa ng mga kaso dahil karamihan sa mga pasyente ay hindi na-admit sa mga ospital.
Gayunpaman, siniguro niya na may sapat na magagamit ang lungsod gaya ng oxygen, medisina, at maging mga espasyo sa city-managed quarantine at isolation facilities.
(LA-PNA CAR/PMCJr.-ABN)
January 23, 2022
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025