BAGUIO CITY — Ang Lungsod ng Baguio ay naghahanda na sa posibleng maging epekto ng Omicron Virus na kapamilya rin ng Covid-19 virus na nagmula sa bansang South Afric , dahil dito ay ipinmag-utos ni Mayor Benjamin Magalong ang pagbili ng mga gamut gaya ng remdesivir at dexamethasone na kung saan ay isa lamang sa mga gamut na essential na maaring ibigay sa isang Covid 19 na pasyente.
Ito ay kanayang sinabi noong nakaraang Miyerkules na kung saan ay sinabi niya na, “It will entail so many funds and it was timely that we were assured by a donor over the weekend that they are going to donate molnupiravir oral drugs which has a high efficacy rating and effective for Covid patients. This is a big help and will be a big saving,” .
Aniya ito ay masusing pinagplanuhan ng kanyang mga kasama lalo na sa medical aspect na kailangan na mapigil ang posibleng pagkalat ng ng nasabing virus kung sakali man na ito ay makarating sa lungsod ng Baguio.
“Ginagawa natin ngayon yung action plan natin para sa Omicron, it’s the same thing na ginawa natin sa Delta na two and a half months bago tumama ang Delta (We are in the process of making the action plan for the Omicron which is the same as we did with the two and a half months before the Delta variant hit us),”dagdag na paliwanag ni Magalong.
Sinabi rin niya na ang lungsod ay may sapat na supply ng oxygen na kung saan ay ito ay mula sa isang donasyon ng mga taong may mabuting puso na umabot ng 100 na oxygen tanks at regulator na galling sa poangunguna ng Baguio Eye Doctor na pinangunahan ni Dra Nary Arsenia Ngaosi-Mondinguing at ng mga miyembro ng Baguio Eye Doctor at ng US based na Apl de Ap Foundation International kasama ang JCI Baguio Sunflower at ng Saint Louis Med 91 at ng Lepanto High School Batch 83, ang Baguio Eye Laser Center Inc at ng Mondiguing-Ngaosi- Lagasca family ay nagtulung tulong na maganap ang ang paglikom ng 100 na oxugen tanks at ng regulator na ibinigay sa lungsod.
Sa ngayon ani Magalaong ay patuloy na bumababa ang kaso ng Covid-19 virus sa lunsod kung kayat anmg lunsod ay nasa ilalim na ng Alert Level 2. Ibiga sabihin ay may maluwaga na pagkilos ng mga tao at ng mga negosyante.
Bukod sa paghahanda sa mga gamut at mga oxygen ay naghahanda rin ang lungsod sa mga pasilidad gaya ng isolation cente na kung saan ay doon ilalagak ang mga taong maapektuhan ng Omicron virus at doon na rin isasagawa ang gamutan sa mga pasyente.
Ngunit ani Magalong mas mabuti na mag-ingat ang mga tao upang hindi na muling magkaroon ng pagkalat ng nasabing virus.
“There will be a lot of preparations in the next two months. Let us hope it does not hit us this December. I hope we will be spared,” Ani Magalong.
Sa ngayon ay may kabuuang 92,977 na kaso sa Covid virus at may nakumpirma na 444 na active infections,subalit ang magandang balita ay may 90,294 recoveries at may 2,139 deaths.
(PNA)
December 7, 2021
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025