Baguio magiging host ng waste to energy plant

LUNGSOD NG BAGUIO – Magtatayo ang lungsod ng sarili nitong waste-toenergy plant upang tulungang tugunan ang problema ng lungsod sa pagtatapon ng basura at siguruhin ang produksiyon ng de-kalidad at murang renewable energy na ipapasok sa grid.
Sinabi ni Mayor Benjamin B. Magalong na ang mga proponent para sa pagpapatayo ng waste-to-energy plant ay binitiwan na ang kanilang mga plano na itayo ang nasabing pasilidad sa kalapit ng bayan ng Sablan dahil sa diumano’y halo-halong senyales na nakukuha nila mula sa mga opisyal ng munisipiyo.
Iniulat niya na hihilingin ng pamahalaang lokal sa mga proponent ng proyekto ang opsiyon na tukuyin ang feasible na bahagi ng pag-aari ng
lungsod sa Sto. Tomas kung saan maaaring itayo ang planta.
Sinabi ng mayor na ang proyekto ay magkasamang ipapatupad ng proponent, ng Philippine National Oil Company- Renewables Corporation (PNOC-RC) at ng lokal na gobyerno.
Ayon sa kaniya, susuriin ng proponent ang 139 ektaryang pag-aari ng lungsod sa Sto. Tomas upang tiyakin ang lugar para sa pasilidad na ito.
Sa mga unang taon ng kasalukuyang administrasyon, tiningnan nito ang konstruksiyon ng isang waste-to-energy plant sa loob ng isang pag-aari na isinuko ng Department of Agriculture sa lungsod ngunit nagkaroon ng ilang katanungan sa feasibility ng lupa at ng lugar kung saan itatayo ang pasilidad na nag-udyok sa proponent at sa lungsod ng tumingin ng ibang lugar para sa katuparan ng proyekto.
Nagkataon, isang pribadong lupa sa bayan ng Sablan ang naunang natukoy na posibleng lugar parasa planta ngunit ang halo-halong senyales mula sa mga opisyal ng munisipalidad sa estado ng proyekto ay nagging dahilan upang ikonsidera ng lungsod at ialok ang pag-aari nito sa Sto. Tomas para sa katuparan ng renewable energy project.
Gayunman, inihayag ni City Administrator Bonifacio dela Pen®a na ang konstruksiyon ng road network patungo sa lugar ay ipinagbabawal at kailangang pasanin ng proponent ang development cost bilang bahagi ng implementasyon ng matagal nang renewable energy project.
Ang Metro Global Corporation ng pag-aari ng Sobrepen®a ay isa sa mga proponent para sa 10-megawatt waste-to-energy plant na kayang i-convert ang hanggang 10 toneladang basura sa renewable energy.
Ang pagpapatayo ng plantang ito ay nakikita bilang isa sa ultimong solusyon na epektibong tutugon sa gastos ng paghahakot ng basura ng lungsod patungo sa pinakamalapit na sanitary landfill sa Capas, Tarlac na naging pansamantalang solusyon sa problema ng pagtatapon ng basura ng lungsod sa lagpas isang dekada na.
(DAS-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon