BAGUIO, MT PROVINCE COPS KINILALA BILANG BEST MOBILE FORCE COMPANY

CAMP DANGWA, Benguet – Labis na ikinatuwa ng Police Regional Office-Cordillera ang paggawad ng parangal sa
dalawang police force unit at isang non-uniformed personnel sa idinaos na 121st Police Service Anniversary noong
Agostp 8. Ang Baguio City Mobile Force Company at ang 1st Mountain Province Mobile Force Company ay tinanghal
bilang Best City at Provincial Mobile Force Company sa pagdiriwang.

May temang: “Matibay na Ugnayan ng Pulis at Mamamayan tungo sa Pagkakaisa, Kapayapaan at Kaunlaran”, ang
napakahalagang okasyon ay dinaluhan ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” R Marcos, na nagsilbing Panauhing pandangal at Tagapagsalita. Ang mga parangal ay ipinagkaloob ni Pres. Marcos, kasama si Secretary Benjamin
Abalos Jr. ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Chief PNP, PGen.Rodolfo Azurin, Jr.
Ang parangal ay personal na tinanggap ng Force Commander ng Baguio CMFC, Lt.Col. Renny Lizardo at Force
Commander ng 1st Mt. Province PMFC, Lt. Col. Roy Awisan.

Para sa Individual Category Award, ang Best Non-
Uniformed Personnel (NUP) para sa Non-Supervisory Level ay iginawad kay NUP Mary Jean Bañaga ng Regional
Logistics and Research Development Division (RLRDD) ng PROCOR. Binati ni City Director Glenn Lonogan ang mga nabigyan ng parangal bilang patunay ng kanilang mahusay na paglilingkod sa larangan ng kapayapaan at kaayusan at ugnayan sa komunidad sa rehiyon.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon