LUNGSOD NG BAGUIO – Isinapinal na ng lungsod ang mga bagong panuntunan sa ilalim ng Alert Level 2 classification sa gitna ng banta ng Omicron variant ng corona virus disease 2019 (Covid-19).
Pinirmahan ni Mayor Benjamin Magalong, na nasa mandatory quarantine pa rin matapos ang kaniyang biyahe sa Estados Unidos upang
bisitahin ang kaniyang mga magulang, ang Executive Order 01-2022 noong Enero 3 na nagtatakda para sa mas mahigpit na mga restriksiyon upnag mapigilan ang pagkalat ng Covid-19 dito.
“Having dealt with the earlier Delta variant and identifying our appropriate response actions, this is a crucial period to strengthen infection prevention and control measures so that our health care system and frontliners, as well as those industries that are sure to be affected, can prepare for this new variant’s anticipated impact,” ani Magalong.
Sa ilalim ng bagong EO na inilabas noong Martes (Enero 4, 2022), ipapatupad ng lungsod ang isang 12-oras na liquor ban simula hatinggabi hanggang tanghali ng susunod na araw.
Itinatakda rin ng kautusan ang pagpapatupad ng curfew mula hatinggabi hanggang 4:00 ng madaling araw.
Habang ipagpapatuloy ng lungsod ang pagtanggap ng mga bisita, 4,000 lamang na bisita na nakarehistro sa online at naisyuhan ng quick response travel permit (QTP) ang tatanggapin kada araw.
Ayon sa EO, ang mga tourism establishment ay pinapayagan na mag-isyu ng QTP katumbas ng 70 porsiyento ng kanilang total capacity, gamit ang kani-kanilang triage.
Ang mga fully vaccinated na turista mula sa mga lugar na mas mahigpit na Alert Level 3 ay kailangang magpakita ng negative result ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RTPCR) test na kinuha 72 oras bago ang kanilang pagbisita o sasailalim sa antigen test sa city managed oaccredited facilities.
Ang parehong test result na kinakailangan ay iniuutos sa mga kasama ng mga turista na may edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Sa ilalim ng EO, ang mga hindi bakunado na matatandang turista ay hindi tatanggapin sa lungsod.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)
January 9, 2022
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025