“Mas mahigpit na pangsugpo dahil sa pagtaas ng mga kaso.”
LUNGOD NG BAGUIO – Iniutos ng pamahalaang lungsod ang isang liquor ban na magsisimula mula Setyembre 11 hanggang 19 bilang bahagi ng pagsisikap nga masugpo ang pagdami ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid1-19) cases.
Sa isang post sa opisyal na social media page ng lungsod noong Huwebes ay sinabi n I Aileen Refuerzo, Public Information Office chief, na ito ay isa sa mga quarantine restrictions na iniutos ni Mayor Benjamin Magalong.
Mula Setyembre 11 hanggang 19 ay isang total ban sa pagbebenta at pagsisilbi ng alak at iba pang nakalalasing na inumin ang ipapatupad habang ang indoor dine-in services ay papayagan na mag-operate sa 30 percent capacity.
Samantala, ang mga serbisyong pagsamba ay papayagan sa 20 percent seating capacity mula Setyembre 11 hanggang 26. “Based on this week’s data as supplied by the City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), our seven-day average for cases per day is now 165 and we expect this to further increase in the next two weeks,” nakasaad sa post.
Base sa pinagsamasamang COVID-19 daily tracker ng Department of Health (DOH) mula Setyembre 2 hanggang 8 ay nakapagtala ang lungsod ng 1,238 mga kaso sa loob ng pitong araw na may pinakamataas na naitalang mga kaso na 231 sa isang araw noong Miyerkoles (Setyembre 8).
Sinabi rin ni Refuerzo na 115 sa 128 mga barangay ay nakapagtala ng mga bagong impeksiyon sa nakalipas na 14 na araw.
Sinabi niya na ang mga bagong restriksiyon ay narrating sa konsultasyon sa mga apektadong mga sektor sa isinagawang pakikipagpulong sa mayor noong Setyembre 8 kasama ang local Covid- 19 Inter-Agency Task Force (IATF), ang Baguio Tourism Council (BTC), Department of Tourism (DOT)-Cordillera, Hotel and Restaurant Association of Baguio (HRAB) at mga kinatawan ng mga apektadong sektor.
Naunang iniutos ni Mayor Magalong ang pagbabawal sa pagpasok ng non-essential travelers sa lungsod at kinakailangang magpakita ang authorized persons outside residence (APORs) ng opisyal na travel documents sa pagpasok sa lungsod at magpakita ng isang kompletong vaccination card kapalit ng isang negatibong Covid-19 test result.
Sa kawalan ng isang vaccination certificate o card, ang APOR ay kailangang mayroong nragative test result na nakuha hindi lalagpas ng 72 oras bago ang pagbiyahe patungo sa lungsod.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)
September 12, 2021
September 12, 2021
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025