Baguio nagpila ng protesta laban sa water permit application

LUNGSOD NG BAGUIO – Inaprubahan ng City Council, sa nakaraang regular session noog Lunes ang isang resolusyon na hinihiling sa City Legal office na magpila ng isang protesta laban sa conditional water permit ng EKP Spring Water Corporation.
Sa isang resolusyon, sinabi ng mga konsehal na ang pagpila ay isang napapanahong portesta laban sa conditional water permit dahil mapipigilan ang National Water Resources Board (NWRB) sa pagbibigay ng lubos na water permit sa kompanya na mahadlangan na makompromiso ang nalalabing pinagkukunan ng suplay ng maiinom na tubig para sa mga residente ng lungsod.
Una dito, isang verified protest ang ipinila ng barangay Tadiangan, Tuba, Benguet laban sa EKP Spring Water Corporation na nakabinbin ngayon sa NWRB na nilagdaan ng nasa 1,001 mga residente sa isang petition letter na may petsang Marso 16, 2022 na naka-address sa NWRB Chairman kaugnay sa apektadong lugar ng kanilang nasasakupan.
Ang EKP Spring Water Corporation ay isang thirdparty service provider na may office address sa Bomasgao, Poblacion, Tuba, Benguet na nag-apply ng isang water permit sa ibabaw ng maraming water sources sa bayan ng Tuba, kabilang ang water source ng Irisan at nakatanggap ng isang conditional water permit No. 05-19-21-059 na inisyu ng NWRB noong Mayo 2021 na magtatapos sa Mayo 19, 2022.
Sinabi ng konseho na ang water permit na inaplayan ng EKP Spring Water Corporation ay nasa loob o sakop ang territorial jurisdiction ng Baguio at walang clearance na nakuha ang kompanya mula sa pamahalaang lungsod bago ang pagpila ng water permit application na nagresulta sa pag-isyu ng conditional water permit na kinukuwestiyon ngayon.
Ginamit ng konseho ang isang polisiya para sa pamahalaang lungsod na maging awtomatikong tagapamagitan sa mga water permit application na ipinipila ng mga kompanya sa NWRB upang masiguro na maprotektahan ng lungsod ang iba’t-ibang water source na maibigay para pagsamantalahan ng mga pribadong kompanya na walang pahintulot ang lungsod.
(DAS-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon