Baguio nagtayo ng bagong Web Domain para ibahagi ang Contact Tracing Tool

LUNGSOD NG BAGUIO – Sinabi ng pamahalaang lungsod ng Baguio na nagtayo sila ng isang bagong web domain upang maibahagi ang Coronavirus disease (COVID-19) data collection tool nito sa ibang local government units sa buong bansa.
Inaprubahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang aplikasyon ng lungsdo ng Baguio para sa isang bagong domain na maaaring magamit ng mga LGU na interesadong magtayo ng sarili nilang information system upang tulungan sila sa data collection, real-time monitoring at management ng mga kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na, “this will lead to better decision-making crucial to containing the spread of the virus.”
Sinabi ni executive assistant Philip Puzon na sa pamamagitan ng domain ay maaaring magtayo ang mga LGU ng sarili nilang COVID-19 data base gamit ang data collection tool and information ng lungsod kung ma-input sa link analysis software na ginagamit ng police ay makakagawa ng links at data na magagamit sa contact tracing.
Maliban sa maaari nilang gamitin ang domain at tulungan sila na madebelop ang sarili nilang websites, tuturuan din sila ng lungsod kung paano kapuwa gamitin ang data collection tool upang itayo ang sarili nilang data base at ang link analysis software para sa kanilang contact tracing.
Pumunta si Mayor Magalong at ilang miyembro ng contact tracing team ng lungsod sa Cebu City upang magsagawa ng contact tracing training sa mga pangunahing police at government personnel upang mapaigting ang kanilang pagsasagawa ng contact tracing.
Pagkatapos sa Cebu City, Zamboanga, Muntinlupa at Bacoor kasama ang environment department central office ay hiniling din ang tulong ng Baguio City sa pagtatayo kung hindi man mapahusay ang kanilang sariling contact tracing schemes.
Naunang ibinahagi ng Baguio City ang teknolohiya sa mga kalapit probinsiya sa Cordillera Adminsitrative Region. Ginagamit sa contact tracing system ng lungsod ang isang multi-pronged approach: detection, isolation, testing at tracing. Maliban sa computer-aided data collection system at link analysis, isinasama rin ang cognitive interviewing at patient identity disclosure upang malubos ang pagkalap ng contact information at maisagawa ang quarantine, testing, disinfection at medical protocols.
AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon