LUNGSOD NG BAGUIO – Tinanggap at pinuri ng pamahalaang lungsod ang utos ni Department of Environment and Natural
Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na magsagawa ng isang eco-system research upang mapahaba pa ang buhay ng mga pine trees kung saan kilala ang Baguio.
”We welcome and appreciate the concern raised by DENR Secretary Cimatu on the state of the pine trees in a private property and public
places in the different parts of Baguio City and the overall situation of its environment,” pahayag ni Mayor Mauricio Domogan sa isang post sa social media account ng lungsod.
Sa kasagsagan ng Philippine Military Academy (PMA) alumni homecoming noong Sabado, Pebrero 16, 2019 ay iniutos ni Cimatu sa kaniyang mga tauhan na magsagawa ng isang ecosystem research at binigyan sila ng isang buwan para makumpleto ang imbentaryo ng mga pine trees.
Sa isang panayam kay Domogan ay sinabi niya na ang pamahalaang lungsod sa ilalim ng City Environment and Parks Management Pffice (CEPMO) at sa koordinasyon ng DENR ay tinitingnan ang impeksiyon na sanhi ng pagkamatay ng ilang puno.
“In fact, dozens of infested trees in our parks and other public places were subjected to the stringent surgical process while the dead
trees were removed and replaced with young ones through the continuing reforestation program in coordination with DENR,” ani
Domogan.
Ibinahagi din ni Domogan ang mga hakbang ng lungsod para protektahan ang pine tree park malapit sa Baguio Convention Center na sentro ng liham ng mga mag-aaral na sumulat kay Pangulong Rodrigo R. Duterte.
Ayon pa sa alkalde ay ipinadala nila ang mahigit 67 liham ng nga mag-aaral ng Baguio Pines Family Learning Center (BPFLC) kay Presidente Rodrigo R. Duterte para tulungan mapanatili ang pine
tree park at mahadlangan itong mabenta.
Sinabi niya na nagbigay ng proposal ang lungsod na bilhin ang lote mula sa Government Service Insurance Corporation (GSIS) lalo na matapos ang impormasyon na isang pribadong kompanya ang magpahayag ng interes na biklhin at gawing isang commercial center ang nasabing lupa, subalit walang nangyari.
Kamakailan ay nag-isyu ang GSIS ng pahayag na hindi na nila ibebenta ang lote.
Ang Baguio City na kilala rin bilang “City of Pines” ay isang popular na destinasyon ng mga turista dahil sa mga pine tree nito na tumutubo sa malamig na klima.
Iniutos ni Cimatu ang agarang umpisa ng pagbibilang ng mga puno upang makagawa ang ahensiya ng mga hakbang upang mapanatili at protektahan ang mga ito.
”This is what makes the city of Baguio unique among other tourist destinations, aside from its cold weather,” ani Cimatu.
Sa nakalipas, ang mga bumibisita sa lungsod ay sinasalubong ng simoy ng pino habang dumadaan sa mga kalyeng patungo sa Baguio, na sa nawawala na sa ngayon, ayon kay Cimatu.
PNA/ABN
February 24, 2019
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024