LUNGSOD NG BAGUIO – Sa buong panahon ng pandemya, siniguro ng Lungsod ng Baguio na ang testing capacity nito ay nananatiling mataas upang makuha ang totoong sitwasyon ng coronavirus disease at may aksiyong proactive.
“We do not cheat to make it appear that we have low cases. We are consistently testing and targeting the vulnerable sectors,” ani Mayor Benjamin Magalong.
Sinabi ng mayor na ang mga bilang ng test na ginagawa ay may direktang koneksiyon sa bilang ng mga positibong kaso dahil ang testing ay isang paraan upang mahanap kung sino ang may virus lalao na dahil sila ay asymptomatic cases.
“If you do a lot of tests, the number of cases will increase. Kaya yung iba dinadaya na. To lower their cases, they lower their tests,” aniya.
“But us here, hindi natin dinadaya. Consistent tayo sa testing. Mataas ang kaso natin pero okay lang kasi malaki ang nacacapture natin na mga positive cases at agad nating naka-isolate para di na makapanghawa pa,” ani mayor.
Ang testing ay lalong rumampa pataas dahil sa pagsasama ng lungsod ng RTPCR tests sa antigen tests upang matukoy ang mas maraming tao na naimpeksiyon para sa maagang intervention.
Ang pinakahuling daily testing average nito ay 1,015.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025