Baguio tinitingnan ang “Hop-on Hopoff” Tourist Buses para sa mga bisita

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Magkakaroon na ang Lungsod ng Baguio ng sarili nitong “hop-on, hop-off” tourist buses, katulad ng mga makukulay na tourist bus sa maraming lungsod sa buong mundo. Sinabi ni Baguio City Tourism officer Engr. Aloysius Mapalo na gagamitin ang dalawang bus na donasyon sa lungsod ng mga lokal na kompanya ng transpostasyon para sa proyekto sa turismo.

Ang plano ay gawin ang mga donasyong bus na ito bilang “Ho-ho” na nilikha bago pa tumama ang pandemya sa coronavirus, paliwanag ni Mapalo. “Even now that we are in the midst of the pandemic, the city is looking into implementing the project little by little,” aniya.

Ang ideya ayon kay Mapalo, mag-iisyu ang lungsod ng Ho-ho tickets sa mga turista sa bawat bisita nila na magbibigay sa kanila ng unlimited na sakay sa Ho-ho buses. Ang Baguio Convention Center ang staging at starting point at ang planong ruta ng Ho-ho ay ang Botanical Garden ang unang hihintuan; ang Mansion, pangalawa; Mines View Park, pangatlo; Wright Park ar mga karatig nito, pangapat; at ang pang-huli ay ang Gov. Pack Road area kung saan isang walking tour sa central business district kasama ang Session Road, Cathedral, Burnham Park ay gagawin.

Pagkatapos ay babalik ang mga bus sa Baguio Convention Center upang isakay ang bagong grupo ng mga bisita, ani Mapalo. Bawat pagtigil ay tatagal ng halos 20 minuto kung saan maaaring mamili ang mga turista kung nais nilang maiwan kung gusto pa nila ng mas matagal na panahon para gumala sa lugar at hintayin ang susunod na iskedyul ng Ho-ho bus na dumating. Ang buong ruta ay tinatayang tatagal ng isang oras at kalahating minuto.

Sinabi ni Mapalo na ang konsepto ng proyekto ay ipinanukala bago ang pandemya ay PhP100 bawat unlimited ticket para sa mga turista na may isang discount rate ng PhP80 para sa mga senior citizen at estudyante. Isang test run ang isasagawa bago ang proyekto ay lubos na maipatupad marahil bago maaaring payagan ng lungsod ang mas maraming turista na bibisita sa mga darating na linggo o buwan, dagdag niya.

Samantala, ang maintenance procedures ng dalawang bus ay mag-uumpisa na upang masiguro na ang mga ito ay nasa pinakamabuting konsidyon at mapapalamutian upang magmukhang tourist buses.

(AAD-PMCJr.-ABN)