Baguio tinitingnan ang pagpapaluwag ng restriksiyon sa turismo

LUNGSOD NG BAGUIO – Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na pinag-iisipan niya ang pagpapaluwag pa sa mga panuntunan sa turismo dito upang mapayagan ang mas maraming bisita ang makapasok sa lungsod.
Sinabi niya na isang pagbabago sa entry protocols ng tourism bubble, na inisyal na pagpayag na makapasok ang mga residente mula sa mga probinsiya ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte ay tinatapos na.
Tinitingnan din nila ang posibilidad ng pagpapahintulot sa pagpasok ng mga pampublikong bus at utility vans mula Rehiyon 1. Nakipagkita si Magalong sa Baguio Tourism Council noong hapon ng Miyerkoles upang pag-usapan ang mga pagbabago.
“We are reviewing the rules and we are going to ease up on some restrictions,” ani Magalong. Nagpatupad ang pamahalaang lungsod ng mahigpit na gabayan, upang masiraan ng loob ang mga bisita na nagnanais mamasyal sa lungsod matapos ang ilang buwan na pagkabagot sa kanilang mga bahay.
Base sa datos ng Bgauio V.I.S.I.T.A (visitors information and travel assistance) online portal, may 19,814 na nag-log sa website mula Oktubre 1 hanggang 13. Sa bilang na ito ay may 2,050 ang humiling na bumisita sa lungsod, na 633 sa kanila ay mula sa mga probinsiya ng Rehiyon 1 at 630 ay mula sa Metro Manila. Ang iba ay mula sa mga Rehiyon ng 3, 4-A (Calabarzon), 2, Cordillera Administrative Region, 7, 5, at 12.
May 10 kahilingan din ang mula sa Estados Unidos. Sa mga probinsiya lamang ng Rehiyon 1 ang inisyal na bahagi ng tourism bubble, apat lamang na bisita ang naaprubahan na dumating sa lungsod noong Oktubre 2 at Oktubre 11.
“Apat pa lang ang dumating. Mukhang nahihirapan sila sa requirements,” ani Magalong. Ilang dahilan ang nakaapekto sa desisyon ng mga turista na pumunta sa lungsod ay kasama ang transportasyon, at ang requirements gaya ng pamamalagi sa isang hotel at pagkuha ng serbisyo ng isang tour operator, ayon kay Magalong.
Sinabi niya na ilang turista sumisimangot sa guided tours, lalo na kung regular silang bisita sa lungsod. Sinabi ni Magalong na binigyan ng national Inter-Agency ask Force ang lokal na gobyerno ng kalayaan na magdesisyon kung ano ang gagawin dahil mas alam nila kung paano pamahalaan ang kanilang mga lugar.
“We assure our people in Baguio that we will never compromise your safety, security, and health. We have a system in place and we need to open up our economy which is connected to the tourism industry,” aniya.
“We are on top of the situation and it is manageable, we know where the cases are coming from and we are managing it,” sinabi ni Magalong, na siya ring contact tracing czar ng bansa.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)
 

Amianan Balita Ngayon