LUNGSOD NG BAGUIO – Tumanggap ang Lungsod ng Baguio ng isang Safe Travels Stamp mula sa World Travel and Tourism Council (WTTC) at sa Department of Tourism (DOT)
bilang pagkilala sa paggamit ng health and safety guidelines sa panahon ng pandemya sa COVID-19.
Isang certificate of Safe Travels Protocols na may petsang Abril 30, 2021 ang kamakailang ipinadala sa online ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat kay Mayor Benjamin B. Magalong. Safe Travels Stamp mula sa WTTC ay inisyu sa Pamahalaang Lungsod ng Baguio sa isang Destination Category habang ang Grand Seirra Pines Baguio ay inisyuhan ng parehong stamp sa Entity Category.
Ang WTTC Safe Travels Stamp ay ang unang safety and hygiene stamp ng buong mundo para sa mga travelers upang kilalanin ang gobyerno at mga negosyo na ginamit ang global health standardized protocols sa gitna ng pandemya sa COVID-19.
Binuksan ng DOT ang aplikasyon para sa WTTC WTTC Safe Travels Stamp noong nakaraang Marso sa lahat ng DOT-accredited accommodation establishment at tourism destinations na bukas sa mga lokal na turista.
Ang LGUs at mga establisimiyento na may Safe Travels Stamp ay binbigyan ng libreng promosyon sa websites at social media platforms ng DOT at ng Tourism Promotions Board gayundin ang bilang global exposure sa WTTC member organizations.
Ang mga tumanggap ng Safe Travels Stamp ay inaasahang ipagpapatuloy ang pagsunod sa WTTC Safe Travels Protocols sa pamamagitan ng DOT Health and Safety Guidelines ayon kay OIC Director Warner Andrada ng DOT – Office of Tourism Development Planning, Research and Information Management.
(JS-PIO/PMCJr.-ABN)
May 15, 2021
May 15, 2021
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025