BAGUIO CITY
Ang city government ay tumatanggap pa rin ng aplikasyon mula sa mga manggagawa ng mga construction companies na interesadong sumailalim sa 25 araw na training para sa pagmamason, na pangangasiwaan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Ayon kay City Administrator Bonifacio dela Peña, mababa ang bilang ng mga nagsumite ng kanilang aplikasyon kumpara sa inaasahang bilang ng mga sasali sa nasabing scholarship program kaya’t pinag-iisipan ng lungsod na humiling na ipagpaliban muna ang nakatakdang paguumpisa ng training sa Mayo 25.
Isang kasunduan naman and binubuo ng lokal na pamahalaan sa tanggapan ng TESDA-CAR para sa mga piling
manggagawa mula sa iba’t ibang construction firm sa lungsod upang mapahusay ang kanilang mga kasanayan at kaalaman. Ayon kay City Planning Officer Arch. Dona Tabangin, ang desisyon na mag-atas sa mga construction worker na sumailalim sa nararapat na training na pinangasiwaan ng TESDA ay isang rekomendasyon mula sa Project Monitoring Committee (PMC) ng lungsod kung saan napagalaman sa pagsasagawa ng project inspections na marami sa mga manggagawa ay hindi bihasa o nakapagensayo para sa kanilang trabaho.
Idinagdag niya na ang lungsod ay nilalayon na magkaroon ng building academy sa hinaharap ngunit sa ngayon, ito ay magsisimula muna sa TESDA scholarships dahil ang ahensya ay nag-aalok ng pagsasanay sa konstruksyon tulad ng pagmamason, pagtutubero at iba pa. Sa ilalim ng panukalang kasunduan, ang TESDA ang mangangasiwa sa 25-araw na training program at magbibigay sa mga kasali ng pang-arawaraw na allowance na P160. Ang mga kasali at
makakakumpleto ng programa ay makakakuha ng National Certificate (NC) 1 na sya rin makakapagsabi kung ang kasali ay maaaring makakuha ng NC 2 na syang magbibigay ng access sa mga supplier para sa mga kinakailangang materyales at kagamitan.
Sa panig naman ng lungsod, ang lokal na pamahalaan ang siyang mangangasiwa sa pagpili at pag-endorso sa TESDA ng mga kwalipikadong aplikante para sa nasabing pagsasanay; tutukuyin ng lungsod ang mga praktikal na in-site na lugar ng training para sa mga iskolar; tatalakayin ng lungsod sa mga contractors na sasagutin nila ang araw-araw na sahod ng kanilang mga manggagawa na sasailalim sa training at ang nararapat na panukalang proyekto ay ihahanda ng lungsod para sa pagbili ng mga kinakailangang kagamitan na ibibigay sa mga mga iskolar pagkatapos ng training.
Matapos ang pagsasanay sa pagmamason, ang lungsod at TESDA-CAR ay magsasagawa ng mga katulad na training sa pagtutubero, pagkakarpintero at iba pa para sa mga construction worker upang makatulong sa paghasa ng kanilang mga kasanayan at kaalaman.
Juannah Rae Basilio/UC-Intern
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024