BAGUIO CITY – Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng korte sa tinaguriang huling drug kingpin ng siyudad ng Baguio. Sa joint desisyon na ipinalabas ni Judge Rufus Malecdan, Jr., ng Branch 60, First Judicial Region, Baguio City ay hinatulan ng life imprisonment si Federico Oliveros, 40, alyas Eric sa ikalawang kaso nitong paglabag sa Section 11,Article II ng Republic Act 9165, matapos mahulihan ng kabuuang 48.56 gramo ng shabu at 4ml glass vial containing brownish liquid ng shabu, noong Hulyo 14,2020.
Hinatulan din Oliveros na mabilanggo ng anim na buwan at isang araw as minimum at 4 years as maximum, kaugnay sa paglabag sa Section 12,Article II ng RA 9165,matapos mahulian din ng mga drug pharaphernalia noong nasabing petsa.
Nabatid kay Philippine Drug Enforcement Agency – Cordillera Director Gil Castro, ang legal battle ng PDEA laban sa Oliveros Drug Cartel ay
isinagawa ng PDEA hanggang sa mabuwag at makulong ang mga suspek sa tulong ng Department of Justice na pinangunahan ni Prosecutor Philip Kiat-ong.
Ayon kay Castro, si Eric ay humalili sa leadership ng kanyang ama na si Bernardo ‘Benjie’ Oliveros,na lider ng “Oliveros drug cartel” na nag ooperate sa Baguio City at mga karatig-lalawigan sa Cordillera.
Ang matandang Oliveros ay nahatulang ng 12 hanggang 20 years na pagkabilanggo sa salani Judge Antonio Reyes noong 2013, matapos ang isinagwang search warrant operation ng mga tauhan ng PDEA,Vabguio City Police Office at National Bureau of Investigation at mahulihan ng P400,000 worth of shabu, liquid shabu, several drug paraphernalia, a 25 caliber pistol, noong Setyembre 2011.
Ayon kay Castro, “the conviction of the ‘father and son’ of organized local drug groups prompted the neutralization of the wide-ranging and deep-seated Oliveros drug group in the Cordillera Region.
Tatlo pa sa mga close relatives na kabilang sa drug group ni older Oliveros, na nasakote din ng PDEA ang naunang ng nahatulan ng korte.
Zaldy Comanda/ABN
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025