BAGUIO CITY – Labinglimang tauhan ng Baguio City Police Office ang kinilala at pinarangalan ng Medalya ng Kasanayan dahil sa kanilang dedikasyon at debosyon sa tungkulin sa pagpapatupad ng police visibility, kung saan ang pinakamaraming rush hour deployment ng personnel ay nakakuha ng papuri at pagpapahalaga mula sa mga residente at bisita ng lungsod.
Ang parangal ay iginawad ng Police Regional Office-Cordillera sa pamumuno ni BGen.Ronald Oliver Lee, regional director noong Hunyo
27 sa Camp Bado Dangwa,La Trinidad,Benguet.
Pinangunahan mismo ni City Director Col. Glenn Lonogan ang pagtanggap ng Medalya ng Kasanayan (PNP EFFICIENCY MEDAL) bilang
pagpapahalaga sa tungkulin at serbisyo-publiko at nagkamit ng kredito hindi lamang para sa kanilang sarili at sa Police Regional Office Cordillera kundi sa Philippine National Police sa kabuuan.
Binigyan din ng katulad na parangal sina Lt.Col. Roldan Cabatan,chief ng Traffic Enforcement Unit; Lt.Col. Renny Lizardo, Force Commander ng City Mobile Force Company; Maj. Dencio Dayao, station commander ng Police Station-1; Maj. Roger Kurt Pacificar, station commander ng PS 7; PEMS Jaime Abrera ng PS 2; PEMS Alfredo Lomerez ng PS 3; PEMS Gerry Rigos ng PS 4; PEMS Noel Julaton ng PS 5; PEMS Mayo Goyo ng PS 8; PEMS Dominador Santos ng PS 10; PEMS Charles K Cawaen, Jr., ng Mobile Patrol Unit; Pat Michael
Talbo at Pat Walter Tomi, ng Traffic Enforcement Unit at Pat Jorylen Tacbas, ng Tourist Police Unit.
Ang BCPO ay espesyal na binanggit ng Philippine National Police Officer-In-Charge, LT.Gen.Vicente Danao,Jr., na nagsasaad na ang police visibility na ipinatupad sa Baguio City ay dapat na gayahin ng lahat ng local police units.
Ang kanilang presensya sa lahat ng mga lugar ng pagtatayo ng kalsada upang pamahalaan ang trapiko; sa mga parke, tourist spot at lugar ng convergence habang ipinatutupad ang “Oplan Tambuli”; Ang patuloy na pagpapatrolya sa mga lansangan at kalsada habang ipinapatupad ang Anti-Road Obstruction Ordinance kahit na sa ilalim ng matinding lagay ng panahon ay sumasalamin sa tunay na diwa at pinakamagandang halimbawa ng Police Visibility.
Zaldy Comanda/ABN
July 2, 2022
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025