Napinsala ang tinatayang P200,000 halaga ng gamit at ari-arian sa isang sunog sa Sta. Marcela, Apayao noong Mayo 6, 2018.
Nakatanggap ng tawag ang Sta. Marcela MPS bandang 1:05pm ng naturang araw mula sa isang concerned citizen sa aksidenteng sunog na nangyari bandang tanghali.
Ang bahay na nasunog ay isang concrete bungalow type na may 5 by 7 meters na area at may bubong na gawa sa galvanized iron na pag-aari ni Raffy Pascua, 35anyos, magsasaka at residente ng Barangay Emiliana, Sta. Marcela, Apayao.
Sa imbestigasyon, magluluto ang asawa ni Pascua ng kanilang pagkain para sa tanghali ng araw na iyon, kaya naman binuksan nito ang kanilang LPG tank at sinindihan subalit biglang lumaki ang sunog na pangunahing dahilan ay mula sa LPG switch na pinaniniwalaang nagbunsod ng pagtagas LPG na kumalat sa loob ng bahay bago pa magluto ang may-ari.
Agad na rumesponde ang pinagsamang PNP at BFP ng Sta. Maria sa lugar ng insidente at inumpisahang apulahin ang apoy. Idineklara ng BFP na fire out bandang 1:50pm ng parehong araw. Ang mga naninirahan sa nasunog na bahay ay hindi nasugatan, at ang estimate cost of damage ay umaabot ng halos P200,000.
May 12, 2018
May 12, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025