LUNGSOD NG BAGUIO – Pinasok ng hindi pa nakikilalang suspek o mga suspek ang bahay ng isang negosyante bandang 3:20pm ng Oktubre 25, 2018 sa Crystal Cave, Bakakeng Central, Baguio City.
Iniulat ni Sarah Agwikeng Bagsingit, 36, negosyante at residente ng nasabing lugar sa Baguio CPO ang pangyayari.
Sa imbestigasyon, pumasok ang suspek o mga suspek sa metal gate ng bahay bilang paraan ng pagpasok sa compound, binuksan ang bintana sa banyo bilang point of entry at nang nasa loob ay nagtungo sa ikalawang palapag at binuksan ang pinto ng master’s bedroom at kinuha ang mga sumusunod: isang PS4 Play station na nagkakahalaga ng P33,000; isang Seiko Watch (P19,000); isang G-Shock watch (P3,000); at isang blue leather wallet blue na naglalaman ng 4,400 Ringgit na may peso equivalent na P60,000.
Ang halaga ng mga nawawalang gamit ay may kabuuang P115,000.
Lumabas din sa imbestigasyon na ginamit ang bintana sa sala ng unang palapag bilang exit point ng suspek o mga suspek.
Nakakuha ng dalawang latent prints sa crime scene ang mga rumespondeng otoridad para sa fingerprint examination at posibleng pagkakakilanlan ng suspek.
October 27, 2018
October 27, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025