“BAKIT HINDI IPAIMBISTIGA SA KONGRESO SI DONG AT DPWH REGION 3?”

Malinaw pa sa sikat ng araw ang paglabag ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd
district Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa tangangtangang kredibilidad ng isang mambabatas nang makipagsabwatan itong mapasakamay sa kumpanya ng kanyang pamilya ang P611,577,718.40 flood control mitigation projects sa Pampanga.

Kasing-linaw din ang paglabag ng mga mataas na opisyal ng DPWH Region 3 dahil walang kibit-balikat nilang ipinasakamay ang higit kalahating bilyong proyekto sa kabila ng pagkala-alam nilang mismong ang Congressman at pamilya nito ang may ari ng nanalong bidder bukod pa sa Congressional Fund pa nya manggagaling ang pondo? Ano ang pumiring sa Bids and Awards Committe (BAC) ng DPWH Region 3 nang buksan ang mga bids at makitang mayroon kumpanyang “A.D. Gonzales Jr. Construction & Trading Co., Inc.”?

Bukod sa kasong isinampa sa Ombudsman kontra kina Cong. Gonzales, Aurelio Brenz na kasalukuyang konsehal sa lungsod ng San Fernando; Aurelio III; Alyssa Michaela na nakaupong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga; at Aurelio Michaline, kasama si Zenaida
Quiambao, isa sa mga direktor ng kumpanya, ipinanawagang ipatawag si Cong. Gonzales ng
mismong Kongreso upang usisain ang mga nasabing paglabag.

Idinulog ng 32 na mga Punong Barangay ng Mexico, Pampanga kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd district Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo na maglunsad ito ng pagdinig sa
Mababang Kapulungan upang higit na usisain si Cong. Gonzales at ang sabwatan kasama ang DPWH sa naturang korapsyon.

Ipatawag din sana sa pagdinig ng Kongreso ang apat na opisyal ng DPWH Region III na sina Roseller Tolentino na regional director; Ignacio Evangelista, chairman ng Bids and Awards Committee; Anna Marie Tayag, BAC Secretariat; at Arthur Santos, BAC vice chairman upang magpaliwanag sa taumbayan.

Nagkakaisang panawagan ng mga Punong Barangay ng Mexico ang paggawad ng hustisya sa kaban ng bayan at masusing paglilitis upang tuwirang mapanagot ang mga nagkasala. Kapag nangyari ito marahil ay magbibigay ng karampatang babala sa lahat ng mga Congressman at sino mang mga
opisyal ng pamahalaang gumagamit sa posisyon upang mapaboran ang sariling interes at bulsa.

THE DIFFERENCE

STL

Amianan Balita Ngayon