“BAKIT INUTIL ANG OTORIDAD KONTRA SA SUGAL LUPA SA CAGAYAN VALLEY?”

Sa katawagan nitong “sugal- lupa ” , nalululong sa mga iligal na aktibidades na pinagbibidahan ng sabwatang pulis, lokal na opisyal at gambling operator ang mga magsasaka, na higit na
nakararaming bilang saan man dako sa lambak ng Cagayan. Batay sa indikasyon sa galaw o sa kawalang-galaw, ng mga naturingang lingkodbayan na pulis at lokal na opisyal, hindi na kasama sa
“deliverables” nila ang pagsawata sa mga iligal na aktibidades bilang “whole-ofnation approach” upang lunasan ang kahirapan.

Ang kawalang-aksyon kontra sa mga iligal na sugalan na hitik sa dami mula sa probinsya ng
Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino ay patunay ng kawalang kaseryosohan sa kampanyang pagsugpo sa iligal. O sadya kayang ligal na sa paningin ng mga naturang opisyal ang mga sugal-lupang naglipana sa lambak ng Cagayan dahil sino man ang nakaupo’y namamayagpag ang mga katulad ni Jerry Melad sa Barangay San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan. O ni Elmo Balisi at Edmund Tamayao sa Balzain East, Tuguegarao City? O ni “Ace” sa Helera sa Divinan street sa
Santiago City, ang kabisera ng Isabela?

O itong pasugalan malapit sa munisipyo ng Diffun, Quirino, o color games at salisi sa Solano, Nueva Vizcaya? Nais nating unawain ang pagkaabala sa napakaraming suliranin ang kasalukuyang
Cagayan Valley police regional director Brig. Gen. Christopher Birung, ngunit hindi sapat na rason ang napakaraming “concerns” upang bale-walain ang katulad ng naglipanang iligal na sugal na parang anay na sumisira sa mga pamilya.

Isa na rito ang biglang pagdami ng drop ball games sa Nueva Vizcaya na ayon kay “Aling Lita” na isa ang kanyang asawang nagpatalo sa drop ball game ang lahat ng pinagbentahan sa kanilang pananim. Lalong sumisira din sa gutay-gutay nang imahe ng pulis at lokal na opisyal ang korapsyong nagaganap dahil sa “payola”, lagay at padulas upang hindi gambalahin ang mga iligal na operasyong tulad ng sugalang nagaganap.

Totoo bang sa Nueva Vizcaya pa lamang BGen. Birung at Cagayan Valley police regional intelligence division chief Lt. Col. George Cabralda ay may mga tumatanggap ng lagay mula sa mga operators mula P50,000 hanggang P125,000 kada linggo? Kaya naman pala malalakas ang loob ang mga loob ng gaya nila Melad, Balisi, Tamayao at “Ace”, na magpasugal at hindi “pinagkaalabalahan” nila BGen. Birung, Lt. Col. Cabralda, mga Governors, Mayors, Police Provincial Directors, Chiefs of police, pati na rin mga kinauukulan sa DILG!

Amianan Balita Ngayon