Bakit kailangan pa ng checkpoint?

Wala namang kaso sa pagkapanalo ni Ike Bello na siya nga ang nagmamay-ari ng isang bahagi sa Lamtang-Pico Road ayon sa resulta ng isinagawang joint survey subalit ang paglalagay ng checkpoint at barikada sa daan, kumuha muna ng “privilege pass” at kumolekta ng bayad sa mga sasakyang daraan ay tila sobra naman yata at hindi na makatao at makatarungan. Ang nasabing Lamtang-Pico Road ay pangunahin at mahalagang daan palabas at papunta sa lungsod ng Baguio, La Trinidad at hanggang sa Cordillera at ang paglalagay sa checkpoint ay makakaantala sa mga pangunahing transportasyon ng mga produkto, serbisyo at mga kalakal na makakaapekto sa takbo ng negosyo at ekonomiya at sagabal sa pang araw-araw na aktibidad ng mga residente at ng gobyerno. Hindi naman tinatawaran ang legal na karapatan ni Bello sa nasabing lugar ngunit ang naging hakbang niya ay nagpapakita ng kawalan ng pagmamalasakit sa mas nakakaraming maaapektuhang kababayan niya. Siguro ay mayroon pang ibang paraan para maipakita at mapangalagahan niya ang kaniyang karapatan, sa mas katanggap-tanggap at makataong pamamaraan, hindi yung parang wala ng batas na umiiral na sasakop sa ganitong mga usapin.Concerned citizen

Fake news

PRO---

Amianan Balita Ngayon