BAGUIO CITY– Hinikayat ni Mayor Benjamin Magalong ang mga may edad 65 patas na magpa-bakuna para maiwasan ang coronavirus disease (COVID-19)-related deaths.
Ayon kay Magalong iniiwasan ng siyudad na tumaas pa ang bilang ng mga namamatay dulot ng COVID-19 at ang tanging solusyon ay ang
vaccination. Sa datos ng City Health Services Office, naitala ang pinakamataas na bilang ng namatay sa COVID-19 noong buwan ng Abril na 85 o’ 2 hanggang 3 deaths sa isang araw. Karamihan dito ay may mga comorbidities at late na kung magpasuri sa doctor.
“Bukod sa vaccination, ay dapat ang early medical consultation kung may signs ng COVID-19 infection upang agad itong mabigyan ng lunas at maiwasan na humantong ito sa severe stage,” pahayag ni Magalong.
“Sa mga senior citizen natin, huwag po kayong matakot sa vaccine, dahil ito lamang ang panlaban natin sa COVID.
Iwasan na po natin na may mamatay pa sa virus na ito at sama-sama po tayong labanan ito.”
Samantala, sa target na 79,201 na individual sa siyudad mula sa A1, A2 at A3 proiroty list, ay nasa 41,810 na ang nabakunan ng first dose,samantalang 20,335 naman ang tumanggap na ng second dose ng vaccine kontra COVID-19.
Ayon kay Cecile Agpawa, team leader ng Risk Communication ng CHSO, pagbabakuna sa mga senior citizens o’ A2 ang patuloy nilang tinututukan ngayon para sa vaccine roll out ng siyudad.
Aniya, nasa kalahati pa lamang ng mga senior citizens ang nabakunahan, kaya patuloy ang kanilang apela na huwag matakot, dahil ito ay proteksyon sa lahat.
“Hinihikayat ko ang ating mga seniors na magtungo lamang sa mga vaccination sites, upang habang maaga ay magkaroon ng proteksyon laban sa virus.”
Zaldy Comanda/ABN
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 19, 2025