LA TRINIDAD, Benguet – Maproproteksiyunan ang kabuhayan ng mahigit 16,000 nag-aalaga ng baboy sa Benguet kung ang pagbabawal sa pagpasok ng mga baboy at produktong karne ay mapapanatili, ayon sa provincial veterinary office.
“We have 16,000 plus raiser households. They should be protected,” ani Dr. Miriam Tiongan, provincial veterinarian ng Benguet. Sinabi niya na sa oras na makapasok ang African swine fever (ASF) sa probinsiya ay malaking pangamba ito para sa mga nag-aalaga ng baboy sa 13 bayan ng Benguet.
“Our backyard raisers grow hogs to sustain the education of their children. Their income from the sale of one pig means payment for the tuition or payment for the money borrowed to pay for the tuition of the children,” ani Tiongan.
Ang pag-aalaga ng baboy sa Benguet ay karagdahang kita rin para sa libong magsasaka na walang siguradong pinagkakakitaan. “It is where they get subsistence if they lose on vegetable production damaged by the rains. But we hope for the best that is why we are heightening the quarantine with the help of everybody,” pahayag ni Tiongan.
Sa ngayon, nananatiling ASF-free ang Benguet ngunit nagsasagawa ang pamahalaang lalawigan gayundin ang ibaibang stakeholders ng malawakang informationdrive sa lahat ng sektor bilang hakbang para mahadlangan ang posibleng pagpasok ng ASF.
Sinabi ni Tiongan na ang baboy ay isang bahagi ng kultura ng Benguet dahil nagkakatay ang mga residente ng isa o higit pa upang magdiwang, sa paggunita sa mga namayapang mahal sa buhay o kung ang isang miyembro ng pamilya ay hindi maganda ang pakiramdam, at kung ang isa ay may masamang panaginipo simpleng pakainin lamang ang ilang tao sa isang piging o pagpupulong.
“It is an important part of our daily lives as Benguet people that is why several of our people are into backyard production because they know that it is a commodity in the province and there will always be buyers of pigs,” aniya.
Ilang petisyon na sumusuporta sa Executive Order (EO) 42-2019 ni Governor Melchor Diclas noong Oktubre 24 para ipagbawal ang pagpasok ng mga baboyat produktong karne sa probinsiya ang isinumite sa pamahalaang lalawigan.
Ang EO ay nagbabawal ng pagpasok ng mga baboy at produktong karne mula sa mga bayan ng Mapandan, San Jacinto, Mangaldan, Sta. Barbara, Manaoag, Laoac, Alcala, Bautista, Malasiqui, Basista, San Carlos City, Urbiztondo, Mangatarem, Urdaneta, Dagupan Calasiao, Bayambang, San Fabian at Pozzorubio.
Ang mga lugar na ito ay nasa 10-kilometer radius ng bayan ng Bayambang kung saan ang paglaganap ay naitala. Kasama rin na nasa 10-kilometer radius anim na bayan ng probinsiya ng Tarlac – Concepcion, Capaz, Bamban, Camiling, San Clemente at Moncada.
Ayon sa EO ang mga bayan lamang na nasal abas ng mga munisipalidad na ito o lagpas pasa 10- kilometer radius ay papayagang makadaan sa highways papunta sa Benguet kung sila ay may sertipikasyon mula sa mga ahensiya ng gobyerno at kung ang mga ito ay para sa Baguio City lamang.
Samantala, nagbibigay ang pamahalaang lalawigan ng livelihood assistance sa mga residente sa uri ng cash na ibinibigay sa zeroloans o kaya sa uri ng piglets.
Sinabi ni Tiongan na ang karaniwang hiling ng mga residente sa ilalim ng livelihood assistance development program ay para sa swine raising dahil maaari nilang maibenta ang baboy sa loob lamang ng anim na buwan na may mas malaking kita.
Isang average na PhP8 milyo ang inilaan ng opisina ng gobernador para sa livelihood ng mga tao, na ang malaking halaga ay napupunta sa pag-aalaga ng baboy.
“The governor is very supportive to protect the livelihood of the townmates in Benguet because even if they just grow two or three pigs their income helps the family a lot. The governor’s stand is also true because he knows ASF has no cure and there is no vaccine to protect animals from its infection,” ani Tiongan.
Una dito ay pinayuhan ni Diclas ang mamamayan ng Benguet na huwag magsagawa ng swillfeeding bilang isa sa mga hakbang upang mahadlangan ang ASF.
PNA/PMCJr.-ABN
November 18, 2019