BARANGAY NAGSAGAWA NG FIRE SAFETY TRAINING SA FOOD ESTABLISHMENTS

BAGUIO CITY

Bilang tugon sa pagtaas ng kaso ng fire incidents at tulungan ang mga food establishments na gumagamit ng Liquid Petroleum Gas (LPG), ay isang programang Basic Fire Safety Training ang isinagawa ng Barangay AZKCO, noong
Pebrero 24. Ayon kay Punong Barangay Jefferson Cheng, ang training ay bilang tugon sa mandato ni Mayor Benjamin Magalong at ng Baguio City Bureau of Fire Protection, na magsagawa ng mga fire safety measure sa mga
business establishment upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng sunog.

Sa bisa ng aprubadong resolution ng sangguniang barangay ay nagsagawa ng consultation sa mga may-ari o
empleyado sa may 60 food establishment na nasasakupan ng barangay na gumagamit ng LPG. Agad na sinangayunan ang proyekto ng barangay at sa tulong ng mga kinatawan ng training instructor ng BFP ay matagumpay na naisagawa ang lecture sa fire safety at actual na pamamaraan kung paano apulain ang apoy mula sa LPG sa may 50 participants na dumalo.

Ito ang kauna-unahang fire safety training na naisagawa ng barangay sa siyudad ng Baguio. “Napalaking tulong ito sa amin na nasa loob ng kusina, marami akong natutunan na dapat ko din ituro sa mga kasamahan ko at first time ko na magkaroon ng fire safety training,” pahayag ni Chris, na isang kusinero ng canteen. Sinabi pa ni Cheng, na
napakahalaga ang training na ito sa ating food establishments, dahil marami sa kanila ang hindi alam ang mga
tamang pamamaraan sa biglaang pagsiklab ng apoy kung paano ito apulain.”

Ang proyektong ito ay suporta ng barangay sa ating city government,lalong-lalo na sa BFP, na patuloy ang kampanya
na mag-ingat. Itong buwan ng Marso ay muling pinapaalala sa ating ang Fire Prevention Month, kaya napapanahon na lamang na maisagawa ang mga ganitong basic training para maiwasan ang anumang sunog.”

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon