BAGUIO CITY
Nanindigan ang Barangay Padre Burgos na wala pang naitalang kaso ng sexual harassment sa mga nakalipas na taon,hanggang sa
kasalukuyan base sa kanilang pagsusumite ng regular na report sa pulisya at pagbibigay sa kanila ng sertipikasyon. “Wala. Actually, meron
kaming monthly report na sinusumite sa pulis. Certification na no sexual harassment case for the month,” pahayag ni Punong Barangay Rhick Rodriguez sa panayam. Dagdag pa niya, maging noong nakaraang taon ay wala ring naiulat na insidente ng harassment. “Wala. You can check our records,” anila.
Tiniyak din ng barangay na may malinaw silang proseso sa paghawak ng mga ganitong insidente. “Meron kaming chart when handling sa case. Unang-una, tinatawag namin yung BOWS case na polis. I-interview niya yung victim, tapos dadalhin sa DSWD for another interview. Endorse lahat,” paliwanag ng opisyal. May nakatalagang Gender and Development (GAD) o BOWS Desk Officer rin sa barangay upang tumugon sa mga sensitibong kaso. Ang BOWS (Barangay Officials Working on Safety) desk ay nakatalaga upang agarang tumugon at magbigay ng suporta sa mga biktima.
Bilang bahagi ng kanilang kampanya, nagtayo rin ang barangay ng paalala sa tapat ng barangay hall kaugnay ng Republic Act na naglalayong protektahan ang kababaihan at kabataan laban sa karahasan. “Para alam ng mga tao at saka protocol yan. Republic Act yan na dapat batas na sundin,” paliwanag nila. Ayon sa barangay, patuloy nilang isinasama sa mga General Assembly ang usapin ng harassment at gender-based violence upang maipabatid ito sa mga residente. “Gini-discuss namin during general assembly sa mga constituents. Kasama yun sa topic yung harassment, BOWS cases,” ani ng opisyal.
Reanne Columbres/UC-Intern
June 23, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025