BAGUIO CITY
Naitala ng Barangay Quirino Hill ang sunod-sunod na kasong Basag Kotse Modus sa pamamagitan ng kanilang CCTV simula noong Marso 3 hanggang Marso 4, 2025. Ang mga insidente ay naitala sa mga CCTV sa Middle Quirino Hill at West Quirino Hill, kung saan makikita ang isang lalaki na hindi pa nakikilala na lumalapit sa mga nakaparadang sasakyan. Apat na sasakyan ang naapektuhan, kabilang ang
dalawang taxi at dalawang van sa Middle Quirino Hill. Inamin naman ng Punong Barangay Larry Datayan na may pagkukulang sa mga tanod na nagroronda para mabantayan ang buong barangay, lalo na sa madaling araw. Pinaalalahanan naman ng Baguio City Police Office
(BCPO) ang publiko na siguraduhing huwag mag-iwan ng mahahalagang gamit sa sasakyan, at mag-install ng dashcam.
Jhawe Saldaen/ UB-Intern
March 16, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025