BAGUIO CITY
Basura ko, Bitbit Ko” ,Ito ang pakiusap ng lokal na pamahalaan ng Baguio sa lahat ng mga turista na bitibitin nila ang kanilang mga basura ito ay upang magkaroon ng malinis maayos na kapaligiran sa lunsod ng Baguio. Ito ang naging pakiusap ng mga umupong mga local councilors na sa isinagawang Scout Official for a Day na kung saan ay inatasan ang tanggapan ng Tourism and Special Events Division ng tanggapan ng City Administrator’s mga may-ari ng hotel at Inn , mga transient house at iba pang mga service provider ng lunsod na ugaliin na bitbitin ang kanilang mga
basura upang mapanatili ang kalinisan ng lunsod na kung saan ay kilala bilang Summer Capital of the Philippines.
Sa ilalim ng Resolution No. 578, series of 2022, ang mga konsehal ay sinabi sa isang resolution na dapat ipatupad at obserbahan ang pagkakaroon ng koordinasyon sa pagitan nga syudad, mga turista at mga may-ari ng hotel, transient house na ugaliin na bitibitin ang kanilang mga basura at
ilagay sa tamang tapunan ng mga basura. Sa inap rubahang resolution ng SOFAD noong Nobymbre 7, 2022 ni SOFAD Councilor Tiffany Matheanne M. Fonite ay inaatasan at pinakikiusap ang kanilang mga bisita na ugaliin na bitbitin ang kanilang mga basura kapag lumilibot sa mga tourists
destination ng lunsod.
Ayon kay Fonite, “Baguio is a prime tourist destination in the north, a city of culture and craft and heritage sites that bring back the city’s glorious past, amidst a cool climate and warm people, and with all these attractions, the city is a highland dream destination that attracts people from all places”. Naobserbahan ng mga local na opisyal na madalas iniiwan ng mga turista ang kanilang mga basura kung saan sila namamasyal at kung minsan iniiwan na lang sa mga sidewalk na nagiging dahlia upang magbara ang mga kanal ng syudad.
Dahil sa kakulangan ng mga basurahan sa mga parke at pasyalan kung kayat hinikayat ng nasabing Augsut Body na ugaliin na lang na bitibitin ang kanilang mga basura at itapon kung saan may basurahan. Ayon pa sa Konseho na ang ideya sa ‘basura ko, bitbit ko’ ay upang magkaroon ng disiplina ang mga turista at maging ang mga residente ng Baguio o karatig lalawigan upang
maiwasan na ang pagkakaroon ng problema sa basura sa lunsod.
Dexter A. See/PIO/ABN
December 17, 2022
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024