Batas-Pilipinas, pinakialaman na naman?

Daplis Walang Mintis Editorial Opinion

Buhay nga naman, samut-sari ang mga nagbabangaang kontrobersiya. Sa tindi ng init sa kasalukuyan, sumasabay din ang mga maiinit na mga kontrobersiya sa ating maliit na bansa.

Para lang isang kuto ang ating isla kung ikumpara sa mga higanteng mga kontinente sa mundo ngunit abot at lagpas pa yata sa mga bituin ang kasikatan na ng Pilipinas dahil sa mga nagsulputang mga kakuwanan.

Isa-isa nating bulatlatin:

******
Sa katatapos lang na ngilin at sulyap sa ika-77 Araw Ng Kagitingan, kumulimlim ang aliwalas ng kalangitan na sumaksi sa paggunita ng sambayang Pilipino sa kagitingan ng ating mga beterano (namayapa at buhay pa) na nagbuwis ng buhay at tapang laban sa mga mananakop sa ating kasarinlan.

Ang naging lambong ay ang mga eksenang hindi dapat sumabay o sumambulat sa mata ng madla. Ano ba ire? May nagsabit ba naman ng tarpaulin sa mga overpass sa NCR na ang nakasulat na mga letra ay

“Welcome to the Philippines, Province of China”. Aba, kung hindi lang mga uugod-ugod na ang mga beterano nating sumaksi sa isang programang kumikilala sa kanilang kagitingan, siguro bigla silang magwawala at maghahamon ng giyera, di ba?

Bakit naman tatawaging probinsiya ng Tsina ang ating bansa? Saan sila humugot ng kapal ng sikmura upang bansagan tayo ng ganire?

*****

Sige, subukan nating bulatlatin ang mga dahon ng nakaraan. May “joke” daw kasi noon ang pangulong Digong na kung mananalo siya sa eleksiyon, pangarap niyang gawing ala-Singapore ang Pilipinas.

At sa harap ng Chinese Ambassador (sa isang pagtitipon) ay sinabi diumano ni Pres. Duterte na gusto raw niyang maging probinsiya ng China ang ating bansa. O, di ba mabigat na “joke” yon, mga pards?

Siyempre, marami ang nagkibit-balikat lang pero marami rin siguro ang ginawa itong “totoo” kaya nagbunga yan ng kontrobersiya sa panig ng mga kontra-Duterte Administration, ika ng mga observer.

Pero teka lang, pards. Di ba ang Singapore ay isang probinsiya ng China? E, kung mag-ala Singapore tayo, ibig sabihin probinsiya nga tayo ng China, di ba?

Pero sa kabilang dako naman, kung ang tinutumbok ni Digong ay pangarap na mag-ala Singapore tayo sa pag-unlad at may kariktang maipagmamalaki sa larangan ng turismo sa mundo, hindi masama, di ba?

Depende kasi kung papano natin bigyan ng kahulugan o basahin ang tunay na katuturan ng mga binibitawang salita ng presidente.

Alam na nating lahat ang hilatsa ng kanyang Bisayanong pananagalog at mga pa-short cut niyang alatelegramatic style na kung susumahin natin ay meron namang mabigat na kahulugan
at tema. Sabi nga nila: ikaw na ang maging Duterte!

******
Ang mahirap kasi sa atin, ang maliit na bagay, lumalaki. Bakit? Napapasukan ng pulitika! Tama ka, pards. Halos lahat na yata ng bagay sa ibabaw ng ating bansang sinilangan ay nahahaluan ng
pulitika.

Kung semento lang sana ang humalo, ayos lang. Ang masaklap, sumabay pa ang mga fake news. Lalong nagkagulo-gulo. Ang mas masaklap ay kahit na alam na nga nilang “fake news” ay pinapaniwalaan pa rin nila.

In short, may mga gustong pabagsakin ang Duterte karisma. Bulong ng mga marunong bumasa ng kilos at tilamsik ng dila at irap ng mata ni Digong: iba kasi ang charms niya.

Ayaw na naming dagdagan, pards. Adios mi amor, ciao, mabalos!