Bayad sa mga naapektuhan ng Asin hydro plants inihahanda na

LUNGSOD NG BAGUIO – Inihahanda na ng lungsod ang paglabas ng kabayaran sa mga residente ng Tuba na naapektuhan ang mga lupa sa itinayong mini-hydroelectric plants na pag-aari ng lungsod sa mga barangay ng Tadiangan at Nangalisan.

Sinabi ni City Administrator Bonifacio Dela Pena sa Manegement Committee sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong noong Disyembre 3 na nakipagkita siya sa mga miyembro ng Tadiangan-Nangalisan Hydro Ancestral Landowners Association (TNHALA) upang ihanda ang paglabas ng matagal ng naantalang kabayaran na nagsisilbing bayad renta ng lungsod sa kanilang mga ariarian na nadaanan ng mga operasyon ng mga planta.

Sinabi ni City Accountant Antonio Tabin na ang halagang PhP2.7 milyon na nagrerepresenta ng rental fees mula 2007 hanggang Oktubre 2012 ng tumigil ang operasyon ng lungsod ay matagal na naisantabi ngunit hinintay lamang ang resolusyon ng mga isyu ng mga kaso sa korte sa pagitan ng lungsod at mga landowners at ng listahan ng mga kuwalipikadong benepisaryo ng kabayaran.

Isinagawa ni dating mayor Mauricio Domogan ang compromise agreement sa TNHALA na inaprubahan ng Regional Trial Court noong 2010 na tumulong sa landowners na tumugon sa isang probisyon ng kasunduan para sa mga may-ari ng lote na unang ayusin ang kasong ipinila ng pamahalaang lungsod para sa “distorbo” ng suplay ng tubig sa mga pasilidad sa pagkuha ng isang waiver of claims para sa damages mula sa city council.

Umabot sa ilang taon para makumbinsi ng pamhalaang lungsod ang Commission on Audit na payagan ang konseho ng lungsod na mag-isyu ng waiver of claims at noong 2017, inaprubahan ng konseho ang isang resolusyon na isinusuko ng lungsod ang “claims for damages” na nagkakahalaga ng PhP2.09 milyon.

Gayunaman, ang paglabas ng kabayaran ay natigil dahil hindi naresolba ng mga claimants ang mga isyu na kung sino-sino ang mga kuwalipikadong benepisaryo.

Ang huling kasunduan sa dating mayor ay ang lungsod at landowners ay magsasagawa ng isang validation survey uoang matukoy ang mga lehitimong landowners kung saan ang kanilang lupa ay nadaanan ng mga operasyon ng mga planta, pagkatapos ay magtatalaga ang mga residente kung sino ang tatanggap ng bahagi na ipamamahagi sa mga landowners.

Sinabi ni Dela Pena na sa kanilang huling pagpupulong ay napagkasunduan na tatanggapin ng
TNHALA ang check payment.

Sinabi ni City Legal OfficerMelchor Carlos Rabanes na isang undertaking ang isinagawa para sa pagbabayad alinsunod sa gianwang compromise agreement.

APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon