LUNGSOD NG BAGUIO – Walang ebidensiya upang ipalagay na ang mga kaso ng mga nawawalang tao sa lungsod ay mga insidente ng kidnapping o pagdukot, ayon kay Baguio City Police Office Director P/Col. Glenn Lonogan.
Sinabi ng hepe ng pulis na sa apat na mga kasong inimbestigahan ng BCPO, isa ay sarado na at isa ay malapit nang magkaroon ng resolusyon. Dalawa ang sinusubaybayan pa ngunit ipinapakita sa imbestigasyon na walang mga indikasyon ng pagdukot o kidnapping sa lahat ng naiulat na mga insidente, ani Lonogan.
Sinabi niya na tinitingnan din nila ang mga ulat na may mga tao na diumano’y inaakit at pinupuwersa ang mga kabataan sa mga pangako ng
mataas na sahod at sa ngayon ay wala pang kaugnayan na naitatag sa pagitan mga ulat at mga kaso ng mga nawawalang tao.
“Our office wants to assure the public that we are doing our best to investigate and resolve all these cases and we are appealing for their cooperation by paying extra attention to their and their family’s security,” ani Lonogan.
Sinabi niya na kailangang palakasin ng mga pamilya ang kanilang mga relasyon upang matugunan ang mga problema sa delingkuwenteng kabataan at pagbubulakbol na isang alalahanin ngayon na tinutugunan ng pamahalaang lungsod.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)
June 23, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025