Benguet nagtala ng 25 na kaso ng COVID-19, Mga Opisyal nabahala

LA TRINIDAD, Benguet (June 19)—Lubhang nabahala ang mga opisyal ng bayang ito na kilala bilang Vegetable bowl of the Philippines at sa malasang strawberry nito ng umabot sa 25 na kaso ng COVID-19 na kung saan ay may apat na bagong kaso na pawang mga pulis ng Benguet Provincial Police Office at isang estudyante ang nagpositibo sa nasabing disease.

At dahil sa pagbulok pataas ng kaso napilitang ilockdown ang munisipyo at magsagawa ng disinfection o malawakang paglilinis sa nasabing hall upang maalis ang posibleng pagkalat pa ng virus sa nasabing lugar noong Huwebes ng umaga (June 18,2020).

Ani Mayor Romeo Salda hindi pweding isaalang-alang ang kalusugan ng mga empleyado at mga mamamayan ng La Trinidad kung kayat isinagawa ang “locldown” sa munisipyo.

Idinagdag pa ni Salda na manatiling nasa bahay ang mga tao upang maiwasan ang mahawa sila at ganun din ang posibleng pagkalat pa ng nasabing virus.

Samantala , ayon kay Benguet police director Col. Elmer Ragay may naunang anim (6) na police sa kanyang nasasakupan ang nagpositibo sa nasabing sakit. Apat dito ay nakatalaga sa BPPO, ang 2 naman ay sa Special Action Force at ang isa ay naka assigned sa Explosives and Ordnance Division sa Camp Bado Dangwa sa bayang ito at ang iba naman ay nasa Camp Crame.

Noong Miyerkulues ay may 20 na kaso lamang subalit nitong nakaraang Hiuwebes ay biglang lomobo sa 25 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa kanilang health deaprtment. Sa ngayon ang lalawigan ng Benguet ang nangunguna sa dami ng pasyente ng COVID-19, pangalawa ang Abra 4, Ifugao 4, Kalinga Zero, Apayao 2, Mt.Province 1. at ang lunsod ng Baguio ay may 7 kasong natitira.

Ace Alegre/ABN

Amianan Balita Ngayon