LA TRINIDAD, Benguet – Nakapagtala ang police ng 82.39 porsiyento na pagbaba sa crime rate ng probinsiya ng Benguet mula Marso 16 hanggang Agosto 17 kumpara sa parehong peryodo ng nakaraang taon.
Sinabi ni Benguet Police Director Col. Elmer Ragay noong Martes na ang bilang ng mga krimen ay bumaba sa 175 kaso lamang sa loob ng liman buwan, kumpara sa 994 mga kasong naitala sa parehong peryodo ng 2019.
Ang index crime ay may kabuuang 21 mula kalagitnaan ng Marso hanggang kalagitnaan ng Agosto, 90.58 porsiyento na mas mababa sa 223 naitala sa parehong mga buwan ng nakaraang taon, habang non-index crimes ay nasa 154 na 80.03 porsiyento na pagbaba mula 771 sa parehong peryodo ng 2019.
“We are able to focus at least 70 percent of our manpower, mobility, financial, and other resources to the fight against the coronavirus disease (Covid-19) pandemic,” ani Ragay, na idinagdag na isinisingit ng mga police personnel sa probinsiya ang kanilang trabaho kontra kriminalidad sa paglaban sa Covid-19.
Umakyat ang crime clearance efficiency ng Benguet sa 98.29 porsiyento ngayong taon mula sa 79.68 porsiyento ng nakaraang taon, habang ang crime solution efficiency nito ay nasa 86.29 porsiyento, mas mataas kaysa nakaraang taon na 73.94 porsiyento.
Sinabi niya na ang may kinalaman sa alak na mga insidente ang pinakamataas na crime insidents, na nagresulta sa physical injuries at vehicular traffic accidents. “It has been very ideal. Never in our wildest imagination that we would see crime statistics (as) low as what we have right now,” ani said.
“Your policemen are 24/7 outside, on the streets, which serves as a deterrent (to) criminals,” aniya.
Iniulat din ni Ragay na 55 anti-illegal drug operations ang isinagawa sa buong peryodo na nagresulta sa pagkaaresto ng 57 katao at kumpiskasyon ng mga iligal na droga gaya ng marijuana at shabu na nagkakahalaga ng PhP17.4 milyon.
May kabuuang 87 wanted persons ang nahulli rin sa loob ng limang buwan. Sinabi niya na ipagpapatuloy nila na ipatupad ang kampanya laban sa loose firearms, forest protection, at anti-illegal gambling.
Samantala ay sinabi ni Ragay na 15 pulis sa Benguet ang nahawa sa Covid-19, anim ay nakatalaga sa provincial police at siyam sa iba’t-ibang police units gaya ng Criminal Investigation and Detection Group. “Lahat sila gumaling na,” aniya.
LA-PNA/PMCJr.-ABN
August 22, 2020