LUNGSOD NG BAGUIO – Nagpahayag ng malasakit ang mga medical practitioner sa lungsod at sa probinsiya ng Benguet sa pagtaas ng mga kaso ng dengue kung saan kinakailangan ang pagsasalin ng dugo.
Sinabi ni Norelyn Aspiras, blood program coordinator sa City Health Services Office (HSO), noong Huwebes (Hulyo 22) na umaasa siya na ang pagtaas ng mga kaso ng dengue ay kasama ring dumami ang donasyon ng dugo.
Sinabi niya na ang suplay sa iba’t-ibang blood bank sa lungsod ay nagkukulang na at bumaba pa nang tumama ang pandemya.
“Kulang na kulang po ang supply natin at baka lalong magka problema lalo at nakikita natin ang pagtaas ng dengue kung saan may mga pasyente na nangangailangan ng blood transfusion,” aniya.
Sinabi niya na hindi sila tumitigil na ipagbigay-alam sa publiko ang kahalagahan ng donasyon ng dugo. Sinabi niya na nagsasagawa rin sila ng mass blood donation activities upang hikayatin ang donasyon mula sa publiko.
Sinabi ni Aspiras na habang nasa kanilang mga bahay ang mga estudyante, ang kalimitang blood donation activities sa mga paaralan na siyang pangunahing pinagkukunan ng suplay ng dugo ay natigil.
“We invite the public, please continue donating blood not only because your loved ones need it, but also because there are others who are in need,” aniya.
Iniulat ng City Epidemiology Surveillance Unit (HSO) na nakapagtala ang Baguio ng 416 dengue cases mula Enero 1 hanggang Hulyo 17 ngayong taon na higit tatlong ulit na mas mataas kaysa 103 kaso na naitala sa parehong peryodo noong 2020.
Sinabi ni Dr. Donnabel Tubera-Panes, chief ng City Epidemiology and surveillance unit sa HSO, noong Miyerkoles (Hulyo 21) na nakapgtala sila ng limang pagkamatay sa nasabing penahon. Sinabi niya na nakita ang clustering of cases sa 15 barangay.
“We saw that breeding grounds of the dengue-carrying mosquitoes thrived inside the homes, in clean water containers used by the family but are not stored properly,” pahayag ng doktor.
Naunang sinabi ng HSO na binubuhay nila ang “4:00 o’clock habit” campaign upang itaas ang kaalaman ng mga residente sa kahalagahan ng kalinisan at pagtanggal ng posibleng breeding sites ng mga lamok.
Sa Benguet ay iniulat din ng provincial health office ang kabuuang 483 mga kaso sa iba’t-ibang lugar mula Enero 1 hanggang Hunyo 30 ngayong taon
Sinabi ni Dr. Nora Ruiz, Benguet Provincial Health officer na ito ay mas mataas kaysa 255 kaso sa parehong panahon ng nakaraang taon. Sinabi niya na naitala ang clustering sa limang barangay sa munisipalidad ng Itogon; dalawang barangay sa Kabayan: apat sa La Trinidad; dalawa sa Mankayan at isa sa Tuba. Tatlo pagkamatay ang naitala dahil sa dengue.
Ang pagtaas ng mga kaso ay nag-udyok sa pamahalaang probinsiya na magdesisyon na muling buhayin ang Provincial Dengue Task Force na nalikha nonng 2019.
Sinabi ni Governor Melchor Diclas na anf task force ay gagawa ng pangmatagalang mga polisiya na ipapatupad sa probinsiya bialng mga pamamaraan na tugunan ang umuulit na problema sa dengue. Ang Baguio at Benguet na contaguous areas ay nakita na ang pag-iimbak ng tubig gamit ang mga drum, lalo na sa mga lugar na walang regular na suplay ng tubig ay nakitang pangunahing dahilan sa pagtaas ng mga kaso.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)
July 25, 2021
July 25, 2021
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025