CAMP DANGWA, La Trinidad, Benguet –Nanguna ang Benguet Provincial Police Office na tumanggap ng mga major awards mula sa national at regional level sa selebrasyon ng 119th PNP na ginanap sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.
Sa virtual rites ng selebrasyon na may temang “Towards a Pandemic-Resilient Philippine National Police (PNP): Adopting Protective Protocols in the New Normal”, ay pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang awarding ceremony,noong Agosto 6 sa pamamagitan ng live feeds sa internet at television at pinarangalan ang mga kapulisan na may malaking ambag sa organisasyon, lalong-lalo na sa panahon ng pandemya.
Ipinagmalaki ng Police Regional Police-Cordillera sa tatlong national awards ng rehiyon sa katauhan nina Police Colonel Elmer Ragay, provincial director ng BPPO, bilang Best Senior Police Commissioned Officer for Operations in the individual category, samantalang ang La Trinidad Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj. Cleff Vencio, ang tinaguriang Best Municipal Police Station nationwide at Police Colonel Allen Rae Co, city director ng Baguio City Police Office,bilang Special Individual Awards for his excellent performance in the flattening of curve for COVID-19 Pandemic.
Sa regional level, pinarangalan naman ni Police BGen.R’win Pagkalinawan, regional director, ang pagbibigay ng Medalya ng Kasanayan at Achievement Award sa mga masigasig na tauhan ng PROCOR sa kanilang tungkulin para sa peace and order sa kabila ng kinahaharap na coronavirus pandemic. Para sa Special Unit Awardees, iginawad ang Award of Recognition sa mga provincial command mula sa kanilang mga accomplishment at kategorya. Benguet PPO-Campaign against Ten Most Wanted Persons (TMWPs); Baguio CPO-Illegal Drug Personalities Arrested during the Campaign against Illegal Drugs; Kalinga PPO-Campaign Against Illegal Drugs; Abra PPO-Campaign against Loose Firearms; Mt Province PPO-Campaign against Wanted Persons; Apayao PPO Best PPO in Revitalized Physical Conditioning and Most Improved BM.
Sa larangan ng Operation, si BCPO City Director Co, ang nahirang na Best Senior PCO, samantalang si PLtCol Maximo Sumeg-ang, ng BCPO ang Best Junior PCO. Para sa PNCOs, PMSgt Geliza Moyao, ng Benguet PPO ay pinarangalan bilang Best Senior PNCO at PSSgt Drexel Jay Bog-acon, ng Kalinga PPO, bilang Best Junior PNCO.
Sa Administrative Field, si PCol Angel Garcillano, chief ng Regional Health Service Unit ay tumanggap ng bilang Best Senior Police Commissioned Officer (PCO); PCol. Gilbert Fati-ig,ng Kalinga PPO, bilang Best Junior PCO.
Para sa Police Non-Commissioned Officer (PNCO) category, PEMS Solomon B Saluquen, Jr, ng Abra PPO pinarangalan bilang Best Senior PNCO at PSSg Menzi Grace Gaste, ng Benguet PPO bilang Best Junior PNCO.
Sa Non-Uniformed Personnel (NUP), sina NUP Acela Culaton ng RHQ ay pinarangalan bilang Best Non-Uniformed Personnel in the Supervisory Level at NUP Angelo L Vicente, ng Mt Province PPO bilang Best Non-Uniformed Personnel in the Non-Supervisory Level.
Ang mga Unit Awardees na ginawaran ng Plaque of Recognition at PNP Unit Streamer ay kinabibilangan ng Ifugao PPO- Best Police Provincial Office; Police Station 1, Baguio CPO-Best City Police Station; Regional Finance Service Office 15-Best National Administrative Support Unit at RIU-14-Best National Operational Support Unit; Sagada MPS, Mt. Prov. PPO-Best Municipal Police Station at Mountain Province PMFC- Best Provincial Mobile Force Company.
Zaldy Comanda/ABN
August 7, 2020
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025